Inilibot ko ang mata ko sa paligid ng kwarto. Kulay pastel ang silid at may veranda. Naupo ako sa kama. Sa gilid nito ay ang larawan ng isang batang kamukhang kamukha ko noong ako'y bata din. Pinagkaiba lang ay mas payat ako noon at siya namay sobrang puti. Papasa talaga kaming kambal.
Hindi nakasama si Kyoa sa akin paglabas. Pero sinabi ko kay Nicholas na babalikan namin siya dahil may hinabilin pa akong gagawin ni Kyoa sa loob. Hindi naman kinwestyon iyon ni Nicholas na pinagtataka ko.
May kumatok sa pintuan kaya naman pinagbuksan ko iyon kung sino man.
Pumasok ng walang sabi sa loob si Claudia.
Hinarap niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Gusto ko sana munang mapag-isa. Napagod ako sa byahe"
I crossed my arms while talking to her kasi ganoon din naman siya.
Humalakhak sya pero hindi ganoon kalakas. Halakhak ng mayaman na may kasamang pang iinsulto.
Unti unti siyang humakbang papalapit sa akin pero hindi ako umtras. Taas noo ko din siyang tinititigan.
"Enjoy staying here. You're right. You should rest first. I'll show you around tomorrow in case you forgot here".
____________________________________________________________________________________________
Maaga akong gumising kanina at hindi ko na hinintay si Claudia para igala ako sa mansyon.
Sa paglalakad lakad ko ay nakasalubong ko si Nicholas na naka jogging outfit. Katatapos niya sigurong mag jogging at pawis na pawis siya. Sayang wala akong towel na dala.
Lumipad naman ang mata ko sa biceps niya.
Tama ka na accla. Hinay hinay lang sa breakfast.
"Mornin'"
"Hi" sambit ko. Medyo mahiyain version.
"Where you going?'
"Wala naglalakad lakad lang"
"You should tell me next time so that I can show you around"
"Hindi na kailangan."
"Oh okay. Breakfast?"
"Mamaya na pagbalik ko"
"You should eat first before you stroll"
Sasagot pa sana ako ng hinigit na niya ako papasok ng bahay.
Patungo kaming kusina nang nadatnan namin doon ang papa ni Milan at si Claudia. Dapat masanay na akong tawaging papa ko para hindi ako mabuko agad.
"Oh come here you two. Pinatawag ko kayo sa maids para sabay sabay tayo mag breakfast pero ang sabi nasa labas kayo. Kaya nauna na kami dito"
"No it's okay. Mamaya pa sana ako kakain pero-"
"I told her to eat first before she go for a morning walk. Then I'll accompany her after." sabat ni Nihcolas.
Pagkasabi niya non ay panay ang titig ni Claudia sa kay Nicholas.
"I went to your room iha para sana sa sinabi ko kahapon na igagala kita sa mansiyon. But i was too late, you already went outside sabi ng maid" kunwaring malungkot na saad ni Claudia.
Dahil diyan nagmumukha tuloy na ayoko sila o iniiwasan ko siya.
"Maaga kasi ako nagising. Sa temple kasi maaga kaming nagigisng ni Kyoa para sa mga gawain"
Kumunot bigla ang noo ni papa at ni kuya este Nicholas. Dapat masanay na ako.
"Like what?' tanong nito
"Anong gawain iyan Milan?" mataas na boses ni papa
Matinding katahimikan habang inaantay ang sagot ko. Sumulyap ako sa gawi ni Claudia at mukhang hindi na maipinta ang mukha niya.
"Like the usual activity girls should do there Max" sagot nito saka may paghawak pa sa kamay nitong mahigpit na nakahawak sa tinidor.
"Right Milan?"
"Maaga kaming nagigising ni Kyoa doon para mag ayos ng classrooms"
Lalong kumunot ang noo ni papa.
"Mag-igib ng tubig sa balon, magpakain ng hayop like pigs, chickens, minsan birds-" sabay lingon ko kay Nicholas
Napabalikwas ako ng hinampas ni papa ang mesa.
"Ano?!"
"Milan enough making jokes. It's not funny"- si Nicholas sa akin
Like bakit ako mag jojoke? Relyebo nga kami ni Kyoa. Simula ng dumating ako doon kahit paano napagaan ko trabaho nong dalawa.
"Ahahaha. Dear, Milan. Maybe that's some kind of another way of teaching girls to become responsible. Alam mo naman doon Maximo"
"Oo nga papa. Ang dami kong natutunan doon. Bukod sa manual labor-"
Hinampas niya nanaman ang mesa ng mas malakas sa pagkakataong ito. Hinawakan ako ng marahas sa braso ni Nicholas.
"Manual labor?!"
"O-oo. Masama ba iyon? Hindi ba magandang matutunan din ng mga babae iyong mag-igib, maglaba, maghugas ng pinggan, magpakain-"
"Enough!"
"I would like to talk to you in my office right now! You've got a lot of explaining to do" bulyaw nito.
Sumulyap ako kay Claudia na ngayon ay abot hanggang leeg ang pamumula sa galit. Mabilis ang pagtaas baba ng kanyang dibdib sa kaba.
Umpisa pa lang ito Claudia.