KABANATA 64

2601 Words

                        "PHYLLIS, pwede bang pumunta ka dito sa restaurant ko?" Pakiusap sa kaniya ni Dayne sa phone. Kumunot naman ang nuo ni Phyllis. "Bakit?" "Wala. Basta pumunta ka lang dito. I want to see you." Paglalambing nito. Tumaas ang kilay ni Phyllis. "Bakit parang kakaiba ka ngayon? Parang may nararamdaman ako na iba kang ibig sabihin sa pagpunta ko diyan sa restaurant mo." "Gusto kitang makasalong kumain. Please. Please. Please." "Okay. Yayain ko si Prinsesa Gabril." "No!" Sigaw ni Dayne. "Ouch. Ang lakas ng boses mo." Reklamo ni Phyllis. "Sorry. Huwag mong yayain si Gabril. Ayaw ko siyang makita." Sabi nito. "Huh? Bakit naman?" Nagtaka si Phyllis sa sinabi ng kaibigan. Napailing naman si Gabril na alam niyang narinig nito ang sinabi ni Dayne na naa kabilang linya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD