HNMNA. 5.
" Napaka walang mudo talaga ang ugali ng Babaeng yan. " Napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Hindi ko namalayan ang pag lapit ni Kuya Lester.
" Bakit ba hinahayaan mo siyang tratuhin ka ng ganiyan Amy? " dagdag pa niyang sabi. Ngumiti na lang ako kay kuya Lester. Na para bang walang nangyari.
"Hayaan niyo na lang po si Ate Shirley, kuya Lester. Baka may dalaw siya ngayon kaya mainitin ang ulo. " pag si sinungaling kong sabi. Pero kunot noo lang ako tinignan ni Kuya Lester, at umiling ito.
" Kung na bubuhay lang siguro si Armida ngayon ay hindi niya hahayaan na mangyari ito. " bulong na saad ni Kuya Lester. Pero rinig ko naman yun,. Kaya napatigil ako sa pag hakbang at lumingo sa kaniya. Na may pag tataka.
" Ano po ang sinabi mo Kuya Lester? Sinong Armida? " nakito ko siyang natigilan. Pero saglit lang yun at agad na nakabawi.
" Ha? M-may sinabi ba akong A-Armida? Amanda ang sinabi ko. At hindi Armida".utal niyang tugon. Pero hindi ito nakatingin sa akin.
" Halika na at baka malate ka pa" dagdag niyang sabi. Nag kibit balikan na lang ko baka nga Amanda ang narinig ko at hindi Armida.
Pag ka rating namain sa University na ipinapasokan ko. Marami na din ang mga studyante ang pumapasok, at marami na din ang lumilingon sa akin. Marami na rin ko naririnig na mga kung ano anong masasakit na salita ang binabato ng mga ito sa'kin. Nandon na yung mukha siyang engkanto or Halimaw. Pero nakasanayan na ko na ang mga ganun treatment sakin, Kaya did a na lang yun, ayaw kong pag aksayahan ng panahon huling taon na rin niya ito ngayon at ga-graduate na rin naman ako.
" Amy! Hey! Wait for me!" napalingon ako ng marinig niya ang pag tawag sa pangalan ko.
Nakita ko umahangos na tumatakbo pa lapit sa akin ang kaibigan na si Louisa. Ito ang naging kaibigan ko. Mula ng mag aral ko muli.
" Ang bilis mo naman mag lakad, kanina pa kita tinatawag. " nakangusong humihingal na reklamo ng kaibigan. Napangiti siya sa hitsura ng kaibigan nag mukha itong batang iniwanan ng Yaya.
" Eh, bakit kasi ngayon ka lang? " tugon niya sa nag mamaktol na kaibigan.
"Kasalan ito ng bwiset na malignong anak ng ako ni Nany.. " Inis na wika ng kaibigan. Alam niyang sa mansion ng amo ng nanay niya ito nakatira.
" Bakit naman? " kunot noo niyang tanong habang sabay silang nag lalakad.
" Hay ko Inday Amy, paano ba naman sinumpong na naman ng lintek na katinoan ang anak ng amo ni Inay. " nag papadyak niyang sabi, mukhang Inis na Inis pa ito.
" Ha? Eh, bakit ano naman ginawa sayo ng anak ng amo ng nanay mo? " kunot noo kong tanong. Lalo lang rumihistro ang inis sa maganda nitong mukha.
" Ay ewan, mukhang paranoid na yata yon eh. Biroin mo nga inday Amy, noh? Sakin pinag bibintang yong sunog niyang brief? Eh bakit ako ba ang nag lalaba no'n? Oo nag lalaba ako minsan pero hindi ang kay hudas na Hade na yun. " mahaba ang inis niyang kwento napapailing na lang ako dahil lagi na lang siyang pinag tetripan ng Anak ng Amo ng nanay niya. Doon kasi sila nakatira sa loob ng mansion ng mga amo ng Nanay niya.
" Halika na nga at pasok na tayo. Teka nga Amy nagawa mo naba yong assignment na ipinapagawa sa 'tin ni Prof. Lampak? " nauna pa itong mag lakad habang nag sasalita.
" Oo tapos ko na kagabi. Ikaw tapos mo na ba? " kagabi kasi bago ako matuloy ay ginagawa ko muna ang assignment ko. Ayaw ko kasi bumagsak ang mga grades ko.
" Wow ang pulubi at ang halimaw ay nag sama na naman, bagay nga kayong mag kaibigan both shameless. "" sumalubong samin ang mga mapam bully naming classmate. Hindi na namin sila pinansin ni Loisa, sanay na kami sa ganito tuwing pumapasok kami sa classis
" Halika na Lo, wag muna sila pansinin. " hinila ko na sa kamay si Louisa.
" Dapat lang baka mahawaan pa kami ng mga kapangitan niyo at pag kahampa lupa niyo. " natatawa nilang saad. Nakita kong na ngangalaiti sa Inis si Louisa.
" Tsk, kakainis talaga ang mga tulad nila deto sa Sanford university natin. Kung wala siguro ang mga tulad nila na pakalat kalat sa loob ng unibersidad na 'to, baka masaya pa ang araw natin. Bakit ba kasi tinangap pa nila ang mga tulad nito. Ang bagay sa mga tulad nila sa public school, hindi bagay ang ma tulad nila deto na matataas ang kalidad at moral. Sa public school nababagay ang mga pangit at dukha. " Sabi ng isa. Naramdaman kong nanigas si Louisa. Alam ko nangangalaite na ito sa galit. Bigla siya tumigil sa pag lalakad at humarap sa akin.
" Sandali lang Amy, hintayin mo ako deto ha! Bibigyan ko lang sila ng leksyon." Ani ni Louisa. Bago ko pa mapigilan ay nag martsa na ito nag lakad.
"Lagot na. " bulong kong sabi. Nakita kong namaiwang pa si Lousa sa harap ng tatlong babaeng studyante.
" Ano ba ang mga problema niyo ha? Inaano ba namin kayo? Alam niyo? Kung may mga problema kayo sa mga buhay niyo pwes, wag niyo kaming idamay! " pabuliyaw na saad ni Louisa. Humugot siya ng hininga at ibinuga na para bang pilit na pinapakalma ang sarili.
" Kung na alibarbaran kayo sa pag mumukha namin, pwes mag tiis kayo. Alangan naman na kami pa ang mag adjust! At kung may dapat na mag aral sa public school ay dapat kayo yun. Dahil doon nababagay ang mga tulad niyong walang ginawa sa buhay, kundi ang husgahan ang kapwa. Dinaig niyo pa yong mga squatter sa pag ka marites. " pag ka sabi ay agad hinawi ang mahaba at maalon nitong buhok. Sinabayan nang talikod at taas noong nag lakad pa lapit sa'kin. Agad na hinawakan ang kamay ko at hinila.
Naiwan ang tatlo na laglag ang panga. Lahat nakasunod ang tingin sa amin ni Louisa. Gusto ko sana bumulanghit ng tawa sa pinag sasabi Louisa, sa tatlo. Pero tiniis ko yun siyempre, kitang kita ko ang pamumula ng mga mukha ng tatlo, sanhi siguro sa pag ka pahiya o dahil sa Inis kay Louisa. Marami din kasing studyanting nakarinig sa mga sinabi ni Louisa sa mga ito.
Naramdaman ko ang panlalamig ng kamay ni Louisa, na may kasamang panginginig. Wala akong ibang nakikitang emosyon sa mukha nito maliban sa Inis.
" Mga bwiset sila. " Inis na saad ni Louisa. Ayaw ko lang kasi na maslalo pang lumala ang mga yun. Dahil sigurado akong babalikan pa nilang lalo si Louisa.
" Hindi mo na dapat sila pinatulan pa Lo. "
" Hay! naku Amy, matagal na ako nag titimpi sa mga yun. Nasagad lang nila ang pasensiya ko. " katwiran niya. Sabagay, may point siya. Kung hindi mo talaga sila sasangahin sigurado akong hanggang dulo ka nila lait laitin. Pero alam ko rin na. Pag kinalaban mo sila, sigurado akong babalikan at babalikan ka nila. Dahil ayaw nilang matalo. Kilala kasing mga anak mayaman ang mga ito. Yung bang may mga koneksyo at implowinsiya. Samantalang kami ni Louisa ay wala. Dahil si Louisa ay nakatira lang sa mansion ng amo ng nanay Niya, dahil ito ang nag papaaral sa kaniya.
Ako naman. May sinasabi ang pamilya ko. pero kung tratubin nila ako ay parang katulong lang nila. Na walang pakialam sakin.
MABILIS na tapos ang araw, uwian na nila. Nauna na daw umowi si Louisa dahil may sumundo daw sa kaniya. Pero hindi naman niya sinabi kung sino. Nag madali pa nga itong umalis pag katapos ng klase nila.
Pag labas niya ng gate ng university ay agad niya nakita ang kotse ni Lester. Patakbo niya nila pita ito.
Binati niya ito at Binati rin naman siya ng binata.
" Kanina kapa hinahapa ng papa mo. " biglang saad ng kuya Lester niya. Nilingon niya ito, Dahl sa frontseat din nan siya nakaupo.
" Ha? Bakit daw? " takang tanong niya.
" Kailangan daw nandon kana bago dumating yong mag di-dinner na kaibigan ng Papa mo. Yun bang, Sanford family ba yun? " naguguluhan tanong ni Kuya Lester niya. Na pa awang labi siya. Nakalimotan na niya ang tungkol sa sinabi ng Papa niya kaninang umaga. Tito too naman pala ng Papa niya yun. Pilit man niya alalahanin ang sinabi ng papa niya kanin umaga, ang tungkol sa pag kakaroon niya ng fiancee. Na nag ngangalan Torte Sanford. Pero wala talaga siyang naalala, hindi niya rin maalala ang kabataan niya.
" Kuya Lester? " tawag niya dito.
" Mhm!" tugon ni Lester at nilingon siya.
" Mula ba pag ka bata ako nag tatrabaho kana sa amin? " gusto lang kasi niya malaman kung Alam ba niya ang tungkol sa fiance niyang si Torte.
" Oo naman. Deto na ako nag binata at nakapag asawa. Yun ngalang hindi kami tumira sa mansion niyo, " tugon ni Lester.
" So may Alam ka ba sa pag kakaroon ko ng fiancee ng Sanford family? I mean Torte Sanford? " Tinitigan niya ang mukha ni Lester. Habang hinihintay ang sagot.
" Oo. Torn Sanford ba yun? " tugon niya nito.
" Torte Sanford, kuya. " pag tatama niya sa sagot ni Lester. Saglit siya nilingon nito, bago tumango.