Prologue
3rd's Person Point Of View
May iba't ibang paniniwala ang mga tao tungkol sa kabilang mundo o parallel universe kung saan ang mga namatay o may mga kapangyarihan na tao ay talagang nage-exist. Sa mundong kinalakihan ng isang sanggol na napadpad sa kabilang mundo ay hindi ito pangkaraniwan sa kanya. Nakakamangha ngunit nakakatakot. Wala naman siyang kapangyarihan na maaring ipanlaban sa mga ito. Ano nga bang klaseng mga nilalang sila?
Sa mundong kinalakihan niya ay presidente ang namumuno sa isang bansa ngunit sa kanila ay iba. May iba't ibang kaharian na bumubuo sa kanilang mundo samantalang sa kanya ay mga bansa. Napakahirap initindihin nito sa kanya dahil bago pa lamang siya sa mundong tinatawag na ENCHANTARIA.
May walong kaharian na bumubuo sa mundong iyon.
Ang Future Tellers Kingdom na may kakayahang makakita ng mga hinaharap. Sila ay may depensang kakayahan dahil liban sa kanilang kakayahan ay iyon lamang ang tanging nagagawa nila kaya sila ay pinoprotektahan ng mga kawal na bihasa sa pakikidigma. Hindi pa sila nagkakamali sa kanilang mga tinuturan.
Ang Electric Kingdom na may kakayahang manipulahin ang lahat ng eneryihang masasagap nila sa kanilang paligid. Ang kanilang kaharian ay sadyang mapanganib dahil sa taglay nitong proteksyon na makakapatay sa sinumang mangangahas na pumasok ng walang pahintulot.
Ang Wind Kingdom na may taglay na lakas ng hangin. Kayang gawin kahit ano sa pamamagitan ng pagbuo sa isipan at kamay. Hindi basta matatagpuan ang kahariang ito sapagkat ito'y nasa ulap at natatakpan ng makakapal na usok at hangin. Sa mga ordinaryong tao ay hindi nila ito makikita. Sila ay mawawala lamang at hindi na makakalabas pa.
Ang Fire Kingdom na may taglay ng kapangyarihan ng apoy. Tulad ng apoy sila'y mabagsik at walang inuurungang laban. Sila'y hindi papatalo ng buhay. Hangga't may hininga lalaban! Susugod kung susugod! Walang ititirang buhay!
Ang Water Kingdom na may taglay ng kadalisayan ng tubig Sila'y mababait ngunit mapanganib kung gagalitin. Maaring magpakita sila sa anyong sirena o kahit anong lamang dagat ngunit ang makakita ng taglay nilang ganda ay sadyang mababaliw sapagkat sila'y nakatadhana lamang sa isang nilalang na itatalaga ng Bathala.
Ang Earth Kingdom na may kakayahang magpagaling ng kahit anong sugat, malala man ito o hindi. Kaya nitong manipulahin ang lahat ng may kinalaman sa lupa. Kaya nitong mag-anyong hayop ng walang nakakaalam.
Ang Magical Kingdom kung saan ang mga nilalang ay nakasalalay sa lakas ng mahikang kanilang nalalaman. Sila ay may magic wand o stick na kanilang ginagamit sa kanilang pakikidigma. Sila ay may hangganan dahil ang lakas ng kanilang kapangyarihan ay nakabase sa kanilang katawan.
Ang Open Kingdom na para pangkalahatan ng mga nilalang na may mas mababang bilang ng mga miyembro o lahi dahil sa giyerang nagdaan. Sila ay nawalan ng mga kaharian kaya sila'y minabuti na pagsama-samahin.
Ngunit sa kabila ng kanilang pananahimik. May isang kahariang muling babangon. Ang kahariang mula sa dilim. Ang Hypnotism Kingdom na matagal nang hindi nakakabilang sa lahi ng mga Enchantarian. Sila ay ubod ng sama at walang awa. Sila ang babangon upang pagharian ang buong Enchantaria, Sila nga ba ay magtatagumpay?