CHAPTER 33 Norwin Trenta minutos na ang lumipas mula nang pumasok si Flor sa restroom, pero hanggang ngayon, wala pa rin siya. Nakaupo ako sa waiting area ng Incheon Airport, hawak ang bag namin, habang si Babe ay nasa tabi ko, nakahilig sa armrest at tumutugtog ng ballpen sa palad. “Norwin,” tawag ni Babe, pilit na nakangiti. “Sigurado ka bang nag-CR lang si Flor? Baka napahaba lang ng pila.” “Kanina pa walang pila,” sagot ko, nakatingin pa rin sa direksiyon ng restroom. “Sabi niya, saglit lang.” Ramdam ko ang lamig ng hangin galing sa aircon, pero mas malamig ang pakiramdam ko. May kung anong kabang hindi ko maipaliwanag. Para bang may mali. “Ganda niya, ah,” biglang sabi ni Babe. “Ang ganda ng asawa mo, Norwin. Mabait pa, halatang disente. Doktor pa! Hindi ka ba nanghihinayang

