Chapter 32 Flor Tahimik akong nagkunwaring tulog. Pero hindi ko magawang ipikit nang buo ang mga mata ko, kasi naririnig ko pa rin sila, ‘yong mga tawa, mga mahinang bulungan, mga simpleng kuwentuhan na parang sila lang ang nasa eroplano. May pagkakataon pang tinapik ni Babe si Norwin sa braso, sabay sabing, “Grabe ka, hindi ka pa rin nagbago! Laging may pa-poker face, pero deep inside softie ka pa rin!” Softie? Halos gusto kong matawa. Kung alam lang niya kung gaano ka-hard-headed ‘yang lalaking ‘yan. Pero nang makita kong ngumiti si Norwin, ‘yong totoo, ‘yong hindi pilit, parang may kung anong kumirot sa puso ko. Parang biglang lumambot ang lahat ng galit ko, pero napalitan ng lungkot. Hindi ko alam kung ano’ng mas masakit, ‘yong hindi niya ako pinapansin, o ‘yong makita kong

