CHAPTER 31 Flor Lumipas ang dalawang araw. Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang pumasok sa utak ni Norwin at bigla siyang nagplano ng out-of-town trip. Korea daw. Parang ang dali lang—parang hindi ko kailangang magfile ulit ng leave at hayaan ang mga pasyente na naghihintay sa akin. Pero siguro nga, para sa mga kagaya ni Norwin, lahat ng bagay kayang ayusin isang tawag lang. Sila naman ang may ari ng hospital na tinatrabahuhan ko. Ako lang ang naiiba. Ako lang ‘yong kailangang magtiis sa lahat ng desisyon niya. Habang nag-aayos ako ng mga damit sa suitcase, sinadya kong hindi siya kausapin. Tahimik lang ako, nagkukumpol ng mga damit at sinisiksik sa gilid ng maleta. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe, kausap ang kung sino sa telepono. Mula rito, rinig ko ang mababa niyang bo

