CHAPTER 53 Flor Kinabukasan Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. O kung nakatulog ba talaga ako. Basta ang huli kong naaalala—nakayakap ako sa dalawa, habang ang utak ko ay parang kotseng kumakadyot, ayaw tumigil kahit anong pilit kong pumikit. Pagmulat ko kanina, mabigat pa rin ang mata ko. Hindi dahil sa antok. Hindi dahil sa pagod, kundi dahil sa takot. Takot sa maaaring mangyari. Takot sa posibleng sagot. Takot sa tanong na hindi ko alam kung kaya kong harapin. Pero kahit nanginginig ang loob ko, kailangan ko pa ring kumilos. “Good morning, Mama Flor…” bulong ni Logan, sabay yakap sa bewang ko habang nag-aayos ako ng higaan nila. “Hmmm, good morning, anak,” sagot ko, pilit na nagpapa-normal ang boses ko. Sumunod na bumangon si Theo, ang sigla niya parang hindi man

