CHAPTER 52 Flor Hindi ko na maalala kung kailan ang huling araw na magaan ang katawan ko pagkagising. Para kasing nitong mga nakaraang linggo, lagi akong may dalang bigat—'yong tipong parang may makapal na kumot na nakapatong sa balikat ko. Kahit mahaba ang tulog, pagod pa rin paggising. Parang hinihigop talaga ng lupa ang lakas ko. Pero hindi ko iyon iniinda. Hindi ako puwede manghina. May dalawang bata akong kailangang bantayan. At may bukirin kaming inaasikaso namin Tito Lito. At bilang kapalit ng pagtanggap nila sa akin dito, hindi ko puwedeng hayaan na magmukha akong inutil. Kaya ngayong umaga, kahit namumugto ang mata ko sa antok, hinugasan ko pa rin ang plato, pinakain ang mga bata, nilinis ang sala, pinatuyo ang kumot, at sinubuan si Logan kahit ayaw niyang magpahawak dahil “

