CHAPTER 35 Flor Tahimik ang buong VIP room ng restaurant sa gitna ng Seoul. Malamig ang aircon, pero mas malamig ang atmosphere ng meeting. Nakaupo si Hector sa tabi ko, kunwari’y relaxed, confident. Parang walang mabigat na iniisip habang nakatingin sa presentation na pinapakita ni Babe sa harap. Nakangiti siya, pa-simple pang tumatango sa bawat slide, parang ang gaan-gaan ng lahat. Pero alam kong hindi siya gano’n ka-kalmado gaya ng ipinapakita. Ramdam ko ang tension sa kamay niyang nakapatong sa mesa—banayad, pero paulit-ulit na kumakalas ang mga daliri niya sa pagkakapatong, parang sinusubukang itago ang kaba. Si Babe naman—halatang hindi na makapag-focus. Kahit anong pilit niyang ngumiti habang nagsasalita, sumasablay ang tono ng boses niya. Paulit-ulit siyang nagbabalik sa par

