CHAPTER 36 Flor Hindi ko alam kung paano kami nauwi rito. Isang saglit lang ang pagitan mula sa mga salitang binitawan ko—at sa halik na iyon. Matindi. Mabigat. Parang binuhos ni Norwin lahat ng galit, sakit, at hinanakit sa mga labi ko. Akala ko, kaya ko siyang itulak. Akala ko, madali lang pigilan ang sarili ko. Pero sa sandaling maglapat ang labi niya sa akin, parang wala akong lakas na pigilan siya, o itulak manlang siya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko, para bang may kuryente na dumadaloy sa akin buong katawan. Pero sa totoo lang natutuwa ako sa tuwing mapipiton siya. Gusto kong umatras, gusto kong magsalita, pero wala akong tinig. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na t***k ng puso naming dalawa. “Norwin…” mahina kong sabi sa pagitan ng halik, pero hindi siya tu

