CHAPTER 37 Flor Hindi ko alam kung anong mas nakakahiya—ang katotohanang nakatulog ako nang walang saplot, o ang katotohanang dalawang beses may nangyari sa amin ni Norwin, ngayong umaga. Pasado ala-una na ng tanghali nang magising ako, at sa tabi ko, si Norwin na mahimbing pa rin ang tulog, pero bahagyang nakangiti. Parang bata. Parang walang iniintinding problema. Napangiti ako nang bahagya habang tinititigan ko ang mukha niya. Ang lalim ng tulog niya, at kahit nakapikit, parang mapagmalaki pa rin ang aura. ‘Yung tipong kahit tulog, boss pa rin. Bakit ba kasi ang gwapo mo kahit nakatulog lang? bulong ng isip ko, sabay irap sa sarili. Hindi ko alam kung paano ko haharapin siya mamaya—lalo na’t may nangyari sa amin, kahit hindi naman ito ang una, pero nahihiya pa rin ako. Nakadalawan

