Episode 21

2538 Words

Chapter 21 Flor Kinuha ko ang tuwalya sa sampayan sa gilid ng bahay. Tahimik pa ang bahay. Bago ako pumasok sa banyo, sumilip muna ako sa kusina , wala pa siya roon, kaya dumeretso na ako sa loob. Marahil nasa labas. Pagharap ko sa salamin, napahinto ako. Nakatitig lang ako sa sarili ko, maputla, magulo ang buhok, may bahid pa ng antok sa mga mata. Pero ang nakakapagtaka, hindi ko alam kung bakit parang naramdaman ko pa rin ‘yung kamay niya sa bewang ko. Parang may naiwang bigat, ‘yung tipong hindi mo alam kung gusto mong kalimutan o maramdaman ulit. “Bakit ba kasi ang kulit mo,” sabi ko sa repleksyon ko. “Wala ‘yon, Flor. Wala ‘yon.” Nagbuhos ako ng malamig na tubig sa mukha, umaasang mawawala rin pati ‘yung mga iniisip kong walang saysay. Pero sa bawat hagod ng tubig, parang mas la

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD