Episode 17

1565 Words

CHAPTER 17 Flor Malamig pa rin ang simoy ng hangin na tumatagos sa may bintana Tahimik lang kami ni Norwin, habang kumakain ng almusal. May mga pagkakataong nagtatama ang mga mata namin, pero agad din siyang iiwas na para bang may kinakatakutan. Hindi ko alam kung dahil nahihiya siya sa nangyari kagabi o dahil ayaw lang niyang makita akong nakangiti sa kanya. Ngayon, maayos na ang pakiramdam ko. Hindi na ako nilalagnat, at mas magaan na rin ang ulo ko. Marahil dahil sa pahinga, o baka dahil sa kakaibang lambing na ipinakita ni Norwin kagabi kahit hindi niya iyon aaminin. Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan, tumingin ako sa labas. Bahagyang sumisilip ang araw mula sa likod ng ulap, at kahit malamig pa rin ang simoy ng hangin, tila nang-aakit ang dagat sa harap namin. Maaliwalas, k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD