Kabanata 18 Flor Kinabukasan, maaga akong nagising sa tunog ng mga alon. Tahimik ang paligid, maliban sa marahang hampas ng hangin sa mga dahon ng niyog. Parang ayaw ko pang umalis sa ganitong tanawin, sa simoy ng hangin na amoy alat at sa katahimikan ng isla na ilang araw ko ring tinuring na tahanan. Bumangon ako, at nang masilip ko si Norwin sa labas, abala siyang nag-aayos ng mga gamit namin. Maingat niyang pinupunasan ang mga basang kahon at tinutupi ang mga kumot. Tahimik lang ako sa pagmasid sa kanya, at sa kung anong dahilan, may kakaibang hapdi sa dibdib ko. Ito na kasi ang huling araw namin dito. “Gising ka na pala,” sabi niya nang mapansin ako. “Malapit nang dumating ‘yong bangka. Mag-ayos ka na.” Tumango lang ako at bumalik sa loob para kunin ang mga gamit ko. Habang nag-a

