CHAPTER 12 Flor Malamig ang hangin sa tabing-dagat, pero mainit sa dibdib ko ang halong kaba at pagod. Sa wakas, tapos na ang kasal namin ni Norwin. Ang mga ilaw na nakasabit sa paligid ay kumikislap na parang mga bituin. Sa gitna ng mahabang mesa, may mga bulaklak na puti at mga kandilang dahan-dahang nauupos. Tahimik na, pero ramdam ko pa rin ang ingay ng buong araw. Umuwi na ang ibang mga bisita. “Congratulations, Mrs. Beltran!” sigaw ni Elena nang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. “Grabe, ang ganda mo kanina. Daig mo pa ang celebrety. Ang saya ko para sa'yo Flor.” Napangiti ako. Pilit. “Salamat, Len. Ang ganda mo rin. Sana someday mahanap mo rin ang lalaking maghahatid sa'yo sa dambana,'' sabi ko sa kaniya. Hindi siya nakasagot nang magsalita si Alphonzo. Kaibigan siya

