CHAPTER 11 Flor Ang araw na matagal ko nang alam na darating ay dumating din. Sa wakas, ang araw ng kasal namin ni Norwin. Dapat siguro ay masaya ako. Dapat siguro ay may kilig, may ngiti, may mga paru-parong lumilipad sa tiyan tulad ng mga ikinukuwento sa mga pelikula. Pero habang nakatayo ako ngayon sa loob ng bridal room, nakatingin sa sarili kong repleksyon sa salamin, isa lang ang nararamdaman ko, isang matinding kakulangan. “Ang ganda mo, anak,” papuri ni mama habang inaayos niya ang belo ko. Namamaga pa ang kanyang mga mata dahil sa pag-iyak. Hindi na akalain na makikita niya ako na ikakasal at makasuot ng trahe de boda. “Para kang prinsesa.” Ngumiti ako, pero hindi umabot sa mga mata ko. “Salamat, Ma.” kung alam lang ni Mama, kung bakit ako nagkakasal sigurado na siya ang un

