CHAPTER 10 Flor Lumipas ang ilang araw mula nang mangyari ang pag-uusap namin ni Norwin. ‘Yong gabing pinagsabihan niya ako ng mga salitang hanggang ngayon ay paulit-ulit na umuukit sa isip ko. Wala nang sumunod na pag-uusap. Hindi rin siya muling nagbukas ng paksa tungkol sa kasal. Ang mga araw namin ay tila nagiging isang tahimik na giyera: siya, abala sa trabaho o kung saan man siya pumupunta. Ako tahimik na nakatira sa bahay na ito habang sinusubukang kumbinsihin ang sarili kong tama ang ginagawa ko. Sabado ngayon. Wala akong duty sa ospital kaya maaga akong nagising para mag-ayos ng bahay. Abala ako sa kusina nang biglang may kumatok sa pinto. Akala ko’y si Norwin, pero pagdungaw ko, ibang tao ang bumungad. “Elena?” gulat kong sabi nang makita ko ang matalik kong kaibigan, may dal

