CHAPTER 23 Flor Parang gusto kong lumayo muna sa presensiya ni Norwin. Ang bigat ng paligid tuwing nariyan siya—parang may unsaid tension sa hangin na hindi ko maintindihan. Kaya kinuha ko ang timba at ang hose, saka lumabas sa hardin sa gilid ng bahay. Mag-aalas siyete pa lang ng umaga, pero tirik na ang araw. Amoy ko ang bagong dilig na lupa, malamig pa sa paanan ko ang hamog. Isa-isa kong tinutukan ng hose ang mga paso, ‘yong mga rosas na itinanim ko noong nakaraang taon, mga santan na laging inaabot ni Mama tuwing umaga. Tahimik lang ako. Ayaw kong maramdaman na naman ang presensiya niya. Pero ilang segundo pa lang, parang sinadya ng tadhana na hindi ako bigyan ng katahimikan. “Hindi ba pupunta ang mga triplets ni Elena sa bahay?” Napatigil ako. Napapikit sandali, umaasang guni-

