Chapter 14 Floor Malamig ang simoy ng hangin na humahampas sa aking pisngi, nang lumabas ako ng bahay. Nakatanaw ako kay norwin habang nasa dalampasigan siya. May kausap siya sa kabilang linya. Kahit malamig ang pakikitungo niya sa akin, pero hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lumapit ako sa kanya. May dala akong isang tray na may lamang pagkain. Nang makalapit ako sa kanya narinig ko ang sinabi niya sa kabilang linya. "Okay, babe. See you soon. I love you." Pagkatapos ng sabihin iyan ibinaba niya ang cellphone na tumingin sa akin. May galit sa kanya mga mata. Hindi ko na lang pinansin ang mga salitang iyon. Hindi ako nagpahalata na naaapektuhan ako kahit hindi naman dapat. "Dinalhan kita ng pagkain. Masama rin kasi sa kalusugan na kape lang ang inumin mo sa umaga. Heto kainin mo.

