Episode 15

2511 Words

Chapter 15 Flor Mainit ang hangin mula sa dagat nang matapos akong maghugas ng mga ginamit ko sa paggawa ng almusal. Nasa tabing dagat pa rin si Norwin. Kanina pa siya naglalakad sa tabing dagat, parang ayaw talagang pumasok o makipag-usap man lang. “Okay lang, Flor,” bulong ko sa sarili ko. “Kahit hindi niya ako pansinin, gawin mo pa rin kung anong tama.” Nagpasya akong magluto ng tanghalian. Kahit mahirap abutin ang mga sangkap sa maliit na kusina ng maliit na ret house na ito, pinilit ko pa rin. Nagbukas ako ng ref at may nakita akong isda, kaya naisip kong sinigang na lang ang lutuin. Habang tinatadtad ko ang kamatis at sibuyas, naamoy ko na ang maasim na sabaw na unti-unting kumukulo. “Para sa’yo ‘to, kahit hindi mo pahalagahan,” mahina kong sabi habang hinahalo ko ang kaldero.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD