06

1034 Words
Chapter 06 3rd Person's POV Nakarating sila sa food court. Bagsak ang buhok ni Silver— iba din ang naging pananamit nito kaya hindi ito nakikilala. Nagmukha din itong bata ng ilang taon dahil sa disguise nito at pananamit. Malayo iyon sa karaniwang porma ni Silver araw-araw. Kahit ganoon hindi pa din maiwasan na maging agaw pansin ito lalo na sa mga kabataan na nandoon din sa food court. Napailing na lang si Adara sa idea na kung hindi siya immune sa physical appearance ni Silver ay matutulala din siya at tutulo ang laway. Sino ba naman kasi makaka-resist sa natural beauty ng isang Silver Shawn Blood hindi ba? Nakahanap sila ng table. Sinabi ni Silver na siya na ang kukuha ng makakain nila— medyo shocked doon si Adara dahil ini-expect niya na siya nga ang kukuha ng pagkain since first time pumasok ni Silver sa ganoon na lugar. Hindi niya alam kung first time nga pero imposible na pumasok sa ganoon na lugar ang isang tagapagmana ng mga Blood. Naghintay doon si Adara. Maya-maya may tumawag kay Adara. Napalingon ang babae— nakita niya ang mga kaklase sa university na pinapasukan niya. Pamilyar ito sa mukha ngunit hindi sa pangalan. Naalala niyang isa ito sa mga babaeng parinig ng parinig sa kaniya at tinatawag siyang freak since hindi siya iyong tipong mahilig makipag-get along. "Nagulat naman ako nandito ka. Mag-isa ka na naman ba?" tanong ng isa sa tatlong babae. May kasama itong apat na lalaki. "Salamat sa pag-imbita ngunit may kasama ako," sagot ko. Alam kong hindi din naman iyon ang atensyon nila. Gusto nila ako ipahiya. "Hey huwag kang mahiya. Sino naman isasama mo sa ganitong lugar driver mo?" natatawa na sambit ng babae. Hindi pinansin ni Adara ang pangbubuska ng tatlo. Mukhang na-offend ang isa sa tatlo kaya tinungkod nito ang dalawang kamay sa lamesa. Yumuko ito at sinabing magkaklase naman sila. Matuto itong makipag-hang out minsan. "Paano ka magkakaroon ng kaibigan hindi ba?" "Wife— hindi ko alam kung anong gusto mo. Binili ko na lahat ng lahat ng klase ng pagkain sa stall." Napatigil si Adara. Napalingon— napatingin din ang mga babaeng kaklase ni Adara. Natulala ang mga ito matapos makita si Silver na may hawak na tray. Napatingin si Silver sa mga taong nakapalibot sa table nila. Lumapit si Silver at binaba ang dalawang tray. "Sino sila?" tanong ni Silver. Magsasalita ang babae para magpakilala sa lalaki nang unahan ito ni Adara. "Ka-schoolmate ko daw. Hindi ko sila kilala," sagot ni Adara. Tumayo si Adara at kinuha ang bag niya. "Pabalot na lang natin ang mga iyan. Sa sasakyan na lang tayo kumain," ani ni Adara. Nagkibit-balikat si Silver— may kinausap na staff si Silver bago tumalikod at sinundan si Adara na hindi na maganda ang mood. "Gosh! Boyfriend ba iyon ni Vegas? Saan niya nadampot iyon." Simpleng babae lang si Adara sa university niya. Wala itong kahit anong acessories— hindi katulad ng ibang babae sa university either make up hindi ito naglalagay. Bukod sa laging may mamahalin na kotse ang sumusundo at naghahatid dito ay wala na silang napapansin na kakaiba sa babae. Minsan napagkamalan nila itong may sakit sa pag-iisip at walang kakayahan na magsalita then nagulat na lang sila matapos may makita silang gwapong lalaki na sumusunod kay Adara at ini-order nito lahat ng klase ng pagkain sa food court para sa babae. Kinuhanan ng babae ng picture si Adara at Silver na nasa labas ng foodcourt at patungo sa parking lot. Nakikita doon ang mukha ni Silver at Adara. — "Ang dami mong ini-order. Mauubos ba natin ito?" tanong ni Adara. Nakaupo si Silver sa hood ng taxi at kumakain. Nakaupo naman si Adara sa backseat. Nakabukas ang pinto at may nilalantakan din na pagkain. "Hindi ko alam kung anong gusto mo kaya binili ko na lahat," ani ni Silver. Tiningnan ito ni Adara na parang isang alien. "Minsan kasi matuto kang magtanong okay?" ani ni Adara. Sinabi ni Adara na kung hindi magsasalita si Silver, magtatanong o magsasabi ng opinyon paano sila magkakaintindihan ni Adara. Tiningnan ni Silver si Adara habang may nginunguya na burger. "Nakakatamad magsalita." Nalaglag ang panga ni Adara dahil doon. Kaya ba siya hindi kinakausap ni Silver ay dahil tamad ito magsalita. Ayaw niya maniwala dahil maaring palusot lang iyon ngunit— wala sa mukha nito ang nagsisinungaling. "Ibang klase. Ano bang klaseng environment meron ka. Nakakaloka ka," ani ni Adara. Dumampot ito ng naiinom. Ngunit in some reason natutuwa si Adara. Hindi dahilan iyong hindi siya kinakausap dahil ayaw siya niyo kausap o ayaw sa kaniya nito. Likas na tahimik lang ito at tamad magsalita. Napatingin si Adara matapos may makita siyang mga bata sa bakanteng lote kung saan nakaparada ang taxi. Nakatira ang mga ito sa isang kariton na nakaparada doon. May batang natutulog habang ang iba naman ay naglalaro. "Mr.Blood— pwede ko ba ibigay ang ibang pagkain na ito sa mga bata?" tanong ni Adara. Napatingin si Silver— sinabi ni Silver na para sa babae ang mga pagkain at bahala ito. Kinuha ni Adara ang ilang plastic bag sa loob ng sasakyan. May mga laman iyon na iba't ibang klaseng pagkain at siyempre nagtira pa din siya para sa kaniya at kay Eos. Kinuha iyon ni Adara at lumapit sa mga bata. Pinanood lang siya ni Silver. Binaba ni Silver ang hawak na plastic bottle at pinagmasdan si Adara na sincere na inaabutan ng pagkain ang mga bata. Ilang taon na silang magkasama ni Adara. Bininigyan niya din ito ng maraming regalo, mga damit, jewelries, bag at shoes — karaniwan na gusto iyon ng mga kababaihan ngunit kahit ganoon kapag nakakatanggap ng ganoon si Adara— nagpasalamat ito ngunit hindi niya nakitang ngumiti ng ganoon si Adara. Nakita ni Silver na binigyan ng isang pirasong bulaklak ng batang pulubi si Adara. Lumiwanag ang mukha ni Adara at tinanggap iyon. Hindi naririnig ni Silver ang usapan ng mga bata at ni Adara ngunit nakikita niya sa mukha ni Adara ang saya. Hindi niya nakita iyon either binilhan ni Silver ng maraming pagkain si Adara. Napaisip si Silver— anong maari niyang gawin para ngitian din siya ng ganoon ni Adara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD