05

1057 Words
Chapter 05 3rd Person's POV Makalipas ang isang linggo. Pinalabas na ng doctor si Adara. Pagdating nila sa labas ng hospital— kinuha ni Adara ang mga gamit niya kay Eos. "Ha?" ani ni Eos. Nilingon niya si Adara. Tinanong nito kung bakit kinuha nito ang gamit niya. "Gusto ko magpasalamat dahil binayaran mo ang hospital bills ko. Hayaan mo babayaran din agad kita. Wala akong contact number ngunit maari ko sabihin sa iyo ang address ng bahay ng uncle ko," ani ni Adara. Hindi si Eos nagbayad— walang babayaran si Adara dahil asawa ito ng may ari ng hospital. Gusto iyon sabihin ni Eos ngunit mahirap makipag-usap sa taong walang ala-ala. "Young lady. Makinig ka— hindi maganda ang pakikitungo sa iyo ng uncle mo kaya ka nasa amin. Hindi ka pa din nakaka-recover kaya sana hayaan mong gawin ko ang responsibilidad ko bilang maid mo," ani ni Eos. Umiling-iling si Adara— sinabi niyang ayaw niya maging pabigat. Aalis siya at maghahanap ng work. "Young lady!" ani Eos. Hindi iyon maaari. Nakagat ni Eos ang kuko— walang binigay na order sa kaniya ang boss niya about kay Adara. Hindi niya na naman ulit makontak ang boss niya. Napatigil si Eos then tiningnan niya si Adara. "Then kung uuwi ka din naman sa inyo mas mabuti ng sa bahay ko ikaw tumira. About sa work— hayaan mong pag-usapan natin ng mas mabuti iyan. Ako lang mag-isa sa apartment ko— maliit lang iyon ngunit alam kong mas magiging komportable ka," ani ni Eos. Nag-isip ng mabuti si Adara. Ayaw niya din naman bumalik sa uncle niya. Pumayag si Adara—atleast hindi niya kailangan bumalik sa mansion either sa bahay ng uncle niya. Kailangan niya lang makumbinsi si Eos na hayaan siyang magtrabaho at makaipon. Kapag nakaipon na siya bibili siya ng kahit maliit na bahay then sisimulan niya ng paunti-unti bayaran si Silver katulad ng plano niya. Ngayon naalala ni Adara about sa 34 billion nagtataka siya kung bakit hindi sa kaniya sinabi ni Silver ang about sa 34 billion at sa contract. It's makes sense kung ipapakita niya iyon para magkaroon siya ng pruweba na mag-asawa nga sila. Sa halip ay niyaya siya nito ng date para ibalik ang ala-ala niya. Kung totoong nagka-amnesia imposibleng maging solusyon iyon dahil kahit kailan hindi sila nag-date. Tiningnan ni Adara si Eos na may kausap sa phone. Nakatalikod ito sa direksyon niya. Sumama ang timppa ng mukha ni Adara matapos maalala ang sinabi ni Silver about sa date. Dahil sa sinabi nito nag-expect siya— date ni hindi nga siya nito nagawang sunduin pagkalabas ng hospital. "Young lady tara. Nandiyan na iyong taxi," ani ni Eos. Lumapit si Eos sa kaniya at kinuha ang dala niya na bag. May laman iyong mga damit. Sinundan niya si Eos na lumapit sa taxi. Alam niya kanina pa iyon nakarapada doon— bakit sinabi ni Eos na nandiyan na iyong taxi. Pinagbuksan siya ni Eos ng pinto. Nilagay doon ni Eos ang bag niya at pinapasok siya sa loob. "Lady Adara, kita na lang tayo mamaya sa apartment ah. Alam ng driver kung saan ang address ko ihahatid ka niya doon," ani ni Eos. Na-shocked si Adara bago pa siya makapagsalita ay pinagsarhan na siya ng pinto ng babae. "Eos tek—" Umandar na din ang taxi. Sinabi ni Adara na bababa na siya. Hindi na siya sasakay ng taxi. "Saan ka naman pupunta pagkababa mo?" tanong ng driver. "Huwag ka ngang chismoso mamang driver kung saan ako pupunta— wala ka ng pakiala—" Naputol ang sasabihin ni Adara matapos marinig nga ang boses ng driver. Pamilyar iyon sa kaniya kaya nilingon niya ang driver. Naka-cap ito na black, polo na black at white t-shirt. Tumingin ang lalaki sa rare view mirror. "Mr. Blood?" ani ni Adara. Nagulat ang dalaga. Tinanong nito kung anong ginagawa doon ni Silver. "Part time job mo ba ito? Hindi ba masyado ka pang mukhang bata para maging taxi driver?" tanong ni Adara. Sinabi din ni Adara na sa mukha ni Silver kahit wala itong degree ay makakapasok ito sa isang sikat na modelling company. "Ang ingay mo na naman ang dami mong tanong," ani ni Silver. Sumama ang timpla ng mukha ni Adara. "Nagdududa talaga ako sa iyo. Asawa ba talaga kita? Paano ako nakatagal sa iyo ni ayaw mo ng kinakausap kita! Para ka din multo bigla kang nawawala tapos susulpot!" Sa 8 years na pagsasama nila ni Silver isa sa mga napansin na ayaw nito sa tao ay ang madaldal at mahilig sumagot sa kaniya. Iyon ang dahilan kung bakit ginagawa niya ang best niya para maging maingay at hintayin na mairita sa kaniya si Silver. "Lahat ng company na nadadaanan mo mo sa city na ito at nakikita mo— hina-handle ko. Ano sa tingin mo ang dahilan kung bakit ako palaging nawawala?" ani ni Silver. Napatigil si Adara at tumingin sa bintana ng taxi. Alam niyang mayaman si Silver pero iyong idea na lahat ng company na nakikita niya sa gilid ng kalsada may-access siya parang imposible na iyon. "Huwag mo nga ako pinagloloko. Paano ako maniniwala kung nakikita kitang nagda-drive ng taxi?" tanong ni Adara. Aware si Adara na mayaman si Silver— hindi niya lang maintindihan kung bakit kailangan nito dumating sa point na magda-drive ito ng taxi at magsusuot ng cheap na outfit. "Disguise, hindi kita mailalabas at masusundo kung hindi ako magdi-disguise," sagot ni Silver. Nagbago ang expression ni Adara. Naalala niyang may girlfriend ito at kung lalabas nga na may nilalabas itong ibang babae magiging malaking issue iyon. "Hindi ka na dapat nag-abala pa," bulong ni Adara. Tinanong ni Silver kung saan nito gusto kumain. Sinabi ni Adara na gusto niya sa food court. Sa tingin ni Adara ang mga tipo ni Silver ay ang mga babaeng sopistikada, mahinhin at iyong may pagka-maria clara since ganitong babae ang long time girlfriend nito na si Beatrice. "Kumakain ka sa ganoon na lugar?" Napalingon si Adara. Tinaasan niya ng kilay si Silver at tinanong kung anong problema doon. Maayos na kaininan iyon at malinis. "Wala akong sinabi," sagot ni Silver. Kapag talaga nagsasalita si Silver ang daming laging sinasabi ng babae. Napapansin na iyon ng lalaki— pinipigilan lang talaga ni Silver saksakan ng tissue ang bibig ng babae para manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD