04

1211 Words
Chapter 04 3rd Person's POV "Anong nangyari Vile? Tahimik dito— nasaan ang iba?" tanong ng lalaking pumasok sa silid. May maskara ito at may suot na itim na roba. Nagtataka ang lalaki dahil walang nakatambay doon bukod kay Vile. Weekend iyon at siguradong tuwing weekend ay halos lahat sila nandoon sa nagsisilbing hide out nila. "Saang impiyerno ka ba nanggaling? Alam mo bang nagkakagulo ngayon ang bansa dahil kay Midnight?" ani ng lalakj at binaba ang hawak na newspaper. Binaba niya iyon at nakita ng lalaki ang headline. "What? Hindi ba ito isa sa mga plano ng red triangle? Bakit gagawin iyan ni Midnight? Nasaan si Phoenix?" tanong ng lalaki. Hinilot ng binata ang sentido. — Sa nakaraparadang sasakyan sa isang bakanteng lote. May lalaking nakatali ang mga kamay at may takip ang bibig. Kasalukuyan nitong sinisipa ang bintana. Pilit iyon binabasag pero dahil bullet proof iyon at sound proof useless ang ginagawa niya. Naiirita nitong pilit muling tinatanggal ang tali sa kamay. Nagkaroon sila ng training kung mapunta sila sa ganoon na sitwasyon. Tanggalin ang pagkakatali at pagkakatakip ng bibig sa kahit na anong paraan ngunit napakaimposible 'non kung iyong nagturo 'non mismo sa kaniya ang nagtali at nagkulong sa kaniya sa sasakyan. Maya-maya sa likuran ng nakaparadang sasakyan may huminto na kulay dilaw na sasakyan. Bumaba ang dalawang babae at maya hawak na phone. "Dito ko nata-track si Phoenix," ani ng babae. May suot itong facemask. Tinahak ang kotse na nakaparada. Binunot ng dalawa ang patalim na nasa likod ng pantalon nila. Pilit na binuksan ang pinto. Naka-locked iyon mula sa loob. "Primrose, naka-locked ang sasakyan," ani ng babae na may asul na nga mata. "Anong gagawin natin? Wait tingnan ko kung naibalik sa akin ni Black iyong tool box ko baka may magamit tayo," ani ng dalaga na may codename na Primrose. Tatalikod ito para bumalik sa sasakyan nang magsakita ang babae at sinabing huwag na. Nagulat ang dalaga matapos suntukin ng babae ang salamin sa driver seat. Nabasag iyon— napatanga siya dahil bullet proof pa ang salamin na iyon. Natanggal niya ang locked at nabuksan ang pinto. Nagulat sila matapos makita ss backseat ang taong hinahanap nila may codename na phoenix. Binuksan ng babaeng may codename na Primrose ang pinto ng backseat. Bumaba ang lalaking may duct tape ang bibig. Natulala ang babae sa lalaki. Hinila ng babaeng may asul na mga mata ang manipis na scarf na nasa leeg ng lalaki— doon nakita nila ang tattoo na tanging ang dark circle lang ang meron. Tinanggal ni Primrose ang duct tape. Napamura ang lalaki at sinigawan silang tanggalin ang tali. Kailangan nilang hanapin si Midnight. Nataranta ang dalawa matapos makumpirma na si Phoenix nga iyon ang kanang kamay ng pinuno nila. "Anong nangyari Phoenix? May kumidnap ba kay Midnight?" tanong ng isa sa dalawang dalaga. Tiningnan siya nito at parang tinatanong kung nakakita na ba siya ng lumilipad na baboy. "Great, eh bakit ka nakatali? Infairness ah ang gwapo mo pala," ani ng babae na may codename na Primrose tila kinikilig ito sa lalaki na napa-pokerface na lang. "Tigilan mo iyang kalandian mo Primrose. Tulungan mo ako dito ang hirap tanggalin ng tali," ani ng babae na may codename na Crimson. Nang matanggal nila ang tali ay hinimas-himas ng lalaki ang wrist. Inutusan niya si Crimson na ipatawag ang iba pa dahil kailangan nilang pigilan si Midnight. "Ano bang nangyari kay Midnight?" tanong ng isa sa dalawang babae. — Nagising si Adara sa kalaliman ng gabi matapos makarinig ng ingay. Naimulat ni Adara ang mata— narinig niya ang boses ni Eos. "Wala na bang injury si Dara bukod sa injury niya sa ulo?" Napatigil si Adara matapos makarinig ng boses ng lalaki. Luminga si Adara at may nakita siyang gwapo na lalaki. May kahabaan ang buhok nito at nakasuot ng puti na t-shirt at rip jeans. Simple lang ang damit nito ngunit mukha pa din itong rarampa dahil sa pagdadala nito ng damit. Lumingon ang lalaki— nagtama ang mata nilang dalawa. Puno ng pagtatakha ang mukha ni Adara at bumangon. Kinusot-kusot niya ang mata niya. "Nasa langit na ba ako? Isa ka ba sa mga anghel?" tanong ni Adara. Hindi niya nakita si Eos. Kumurap-kurap si Adara. "Mukha ba akong anghel sa paningin mo?" malamig na tanong ni Silver. Tumikhim si Eos para pigilan na matawa. "Ow— eh di ikaw ang guardian devil ko! Ikaw si Lucifer!" Napa-pokerface si Silver at umikot. Naglakad palapit sa kama. Tinungkod ang dalawang kamay nito sa gilid ng kama. Nilayo ni Adara ang mukha matapos mag-ilang pulgada ang layo ng mukha ng lalaki sa mukha niya. "Ehe! Pwede lumayo-layo ka ng kaunti. Mahina puso ko sa magaganda at makikinang na bagay. Alam mo na?" ani ni Adara. Napataas ng kilay si Silver. "Wala akong suot na acessories," ani ni Silver. Nagulat ang lalaki matapos hawakan ni Adara ang dalawang pisngi niya. Napatalon si Eos. Bahagya itong nag-panic matapos makitang hinawakanbni Adara ang mukha ng boss niya. "Lady Ada—" Nakita ni Eos ang hand gesture ni Silver. Yumuko si Eos at umatras. Sinabi ni Adara na parang gemstone ang mga mata ni Silver. "Gemstone? Anong gemstone?" tanong ni Silver. Nanatiling nakatingin si Adara sa mga mata ni Silver. Ngumiti ang babae ng malapad at sinabing black diamond. Binitawan ni Adara si Silver— tinanong ni Silver si Adara kung mahilig ito sa black. Nag-isip ang babae. Umupo si Silver sa gilid ng kama— hinawakan niya ang baba at tiningnan si Silver. "No pero ngayon yes!" sagot ni Adara. Tinanong ni Adara kung magkakilala ba silang dalawa. "Ngayon lang kita nakita. Artista ka ba? Friend ka ba ni uncle?" Nakumpirma ni Silver na hindi nga siya nakikilala ni Adara. Ang dami nitong tinatanong sa kaniya. Hiningaan din siya nito ng wedding picture na hindi niya alam kung bakit wala sila. "Date? Ayoko!" sigaw ni Adara. Nag-cross arm ito— napatanga si Eos. Tinurn down ng dalaga ang boss niya. Si Silver Shawn Blood— ayaw nito i-date. "Hindi ako nakikipag-date sa taong hindi ko naman kilala at isa pa kahit gwapo ka may taste pa din ako sa lalaki. May dream guy din ako," ani ni Adara. Tinaas ang daliri. Dumilim ang mukha ni Silver at mukhang hindi doon affected si Adara. "Dream guy? Whose that f*****g guy," malamig na tanong ni Silver. Sa isip ni Eos sa expression ni Silver siguradong papatayin nito kung sino 'man ang taong babanggitin ni Adara. "Dream guy nga diba? Ibig sabihin 'non hindi siya nage-exist malamang! Bakit ka galit? Huwag mong sabihin nagseselos ka? Wala kang karapatan hindi pa kita asaw—" Tinakpan na ni Silver ang bibig ni Adara. Naiirita siya— masyado itong maingay. Ayaw niya sa babaeng maingay. "Eos, wala ka bang dala na duct tape?" tanong ni Silver. Nanlaki ang mata ni Adara— tinulak niya si Silver at sinamaan ito ng tingin. "Ganiyan ka ba sa babaeng liligawan mo! Matapos mo ako ayain ng date! Kung naiingayan ka ikaw umalis! Hindi iyong iba paga-adjust-in mo para sa iyo," ani ni Adara. Nalaglag ang panga ni Eos doon. Sa isip ni Eos dapat talaga nagdala siya ng duct tape. Hindi safe sa young lady niya ang magsalita ng ganoon sa boss niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD