Chapter 25 - What’s Happening?

2133 Words

“Best, wala ka bang napapansin sa labas?” tanong ni Luisa nang mapasilip sa bintana ng bahay ni Liza. Noong nakaarang linggo pa niya napapansin ang puting van sa labas ng gate nila. Malapit lang ito sa bakanteng lote na pinagtataniman ng mga ampalaya ng kapitbahay. “Ano naman ang dapat na mapansin ko?” Kanina pa hindi magkandaugaga si Liza sa pagliligpit ng gamit niya. Ilang araw nang nakatira si Sarah sa kabilang bahay. Naisip niya na wala naman nang dahilan para manatili siya sa bahay ni Aldred ganoong naroon din naman ang babaeng tinataguan ng binata. “Hindi mo ba napapansin ang van. Halos araw-araw ay parang hindi umaalis ‘yan.” Tila nangilabot pa ito sa sinabi. “Alam mo, best? Kanonood mo ‘yan ng balita tungkol sa dukot-dukot. Ang hilig mo kasing manood ng mga ganiyang mga crime ca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD