Chapter 24 - The Confrontation

2037 Words

Kanina pa pinag-iisipan ni Liza kung paano niya pakitutunguhan ang babaeng kinaiinisan niya na nasa labas ng gate. Hindi niya alam kung ano ba ang kailangan nito sa kaniya. Kagabi lang ay kaulayaw ito ng lalaking hindi niya maamin kung mahal nga ba niya o baka nami-miss niya lang ang pang-aasar nito. “No!” saway niya sa sarili. Hindi niya nami-miss ang lalaking iyon. At hindi rin niya ito mahal. Isa lang siguro siya sa mga babae nitong naangkin ang labi. Higit pa roon? Wala na. Sabi niya sa sarili nang buong iling na iniwaglit sa isipan ang nanariwang alaala ng pagdampi ng labi ni Aldred sa labi niya. Muli siyang napasilip sa babaeng nasa labas. Hindi siya dapat na mailang dito. At bakit nga ba siya maiilang dito? E, naroon siya sa bahay niya o mas mabuting sabihin na nasa teritoryo niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD