“W-who are you?” sigaw na napapatili ng dalagang hihilot-hilot pa ng sintido nang mabungaran ang binatang abala sa paggawa ng sopas. Kumikendeng-kendeng pa ito na para bang pag-aari nito ang buong kusina at walang sino man ang magagawi roon. “Gising ka na pala. Gusto mo na bang kumain?” kaswal na sagot ni Lloydie na tila ba matagal na nitong kakilala ang dalaga. “I said, who are you?” mariing tanong niya sa binata. Nalilito si Sarah kung sino ang lalaking ito na kung umasta ay akala mong nakatira sa bahay na iyon. “Lloydie. Ikaw si Sarah, hindi ba?” Halos mapunit ang ngiti nito sa dalaga. Maganda ang gising nito at excited itong bumangon para maghanda ng almusal. Wala itong pasok kaya naman balak nitong magtanim sa bakuran dahil tila napabayaan na ang mga tanim doon simula nang lumipat

