“Hi! Anong kailangan mo?” saad ni Mico nang bahagyang buksan ang gate ng kaniyang bahay. “A, puwede ba kay Liza? Pakisabi na dinadalaw siya ni Luisa. Nabanggit kasi ng friend ko na tumutuloy siya rito ngayon,” paliwanag ni Luisa nang harapin siya nang may katamtamang taas na lalaki. Bahagya pa siyang nahiya dahil sa ka-cute-an ng lalaking kaharap. “Liza?” saglit na napaisip ang binata. “Oo. Nandiyan ba siya?” agad na tango ni Luisa bilang pagsang-ayon sa pangalan na sinabi ng lalaki. “A, si Liza. Umalis kasi siya. Sabihin ko na dumalaw ka pagdating niya,” sagot ni Mico. Kunot ang noo na napaisip si Luisa. Mayamaya ay naisipan niyang dumalaw na lang sa susunod. “Talaga? Sabi niya kasi wala naman siyang pupuntahan today. S-sige. Pakisabi na lang, a. Sige, una na ‘ko,” nauutal na sambit

