Maaga pa lang ay nagpupulong-pulong na ang mga empleyado ng Cafe De AL sa harap ng counter. Sarado pa sila ngunit naihanda na nila ang lahat bago pa dumating ang boss nila at ang bagong empleyado. Daig pa ang bubuyog ng mga ito sa ingay na hatid ng maaga nilang almusal—ang pag-usapan ang bagong empleyado. Hindi naman sa hindi nila gusto ng bagong empleyado kung dumaan lang ito sa tamang proseso. Halos sumayad ang nguso ng matandang dalagang si Teresita. Sa unang pagkakataon ay nagkasundo-sundo ang mga ito. Noong una ay sina Becca at Rod lang ang madalas na mag-usap tungkol sa mga nagaganap sa shop. Ngunit ngayon ay nangunguna sa marites-an ang matandang dalaga. “Nako, Madam. For sure, may ginawa ‘yan kay Sir pogi kaya nakapasok kaagad nang hindi dumaraan sa mga palad mo,” ani Rod na kun

