"May problema ba?" tanong ni Aldred nang mapansing tulala si Liza. Napalunok siya sa nakaaakit na labi nito. Nais niya itong halos ka. Ngunit hindi naman tama na mag-take advantage siya sa situwasyon lalo pa at nasa trabaho sila. "Liz," pag-uulit niya sa pagpukaw ng diwa nito. "W-wala naman. Ako na ang dadampot." Siya na ang kumuha sa notebook na nahulog at agad na iniabot sa binata. "Here," sambit niya pagkaabot. "Thanks. Hayaan mo. Sasabihan ko si Ms. Camposanto about the list. Baka nakalimutan lang niyang sabihin sa'yo." Agad na tumalikod ang binata. Papalabas na ito ng may maalala. "You can have lunch with me after that. I'll tour you around the area." Nahihiya pa siya sa sinabi dahil baka obvious na gusto niya itong makasabay maglunch. Pero alam naman niyang wala itong ibang maka

