THINGS had been great with me and Mattie. Masaya ang bawat araw na nakakasama ko siya. Parang lagi akong nasa alapaap ng kaligayahan. Parang laging high. Mas may gana akong gawin ang lahat ng bagay dahil sa kanya. Mas masarap gumising sa umaga dahil alam kong makikita at makakasama ko na uli siya. Mas masarap mag-aral dahil pinaplano ko na ang aming kinabukasan. Mas nagpupursige ako dahil nais kong bigyan ng magandang buhay si Mattie balang-araw. Hindi na raw halos mabura ang ngiti sa aking mga labi. Palaging maganda ang disposisyon ko. I was always bright and shiny. Inakala kong walang makakasira niyon. Inakala kong magtutuloy-tuloy ang lahat ng magagandang nangyayari sa amin. Inakala kong wala nang katapusan ang aking kaligayahan. Ngunit mali ako. Dalawang araw kong napansin na may ib

