NAKUHA ni Mattie ang kanyang gusto. Hindi madaling i-arrange ang isang totoong date para sa amin ngunit sulit ang lahat ng aking effort. Nagpaalam ako sa mga magulang namin. Siyempre ay hindi sila pumayag kaagad kaya we had to compromise. We managed to get a reservation in a quiet and private fine-dining restaurant. By “we,” I meant me and my parents. Si Mommy ang nagmungkahi sa restaurant na iyon. Paboritong restaurant ng mga magulang ko ang lugar. Paborito ko rin sa totoo lang. Pinakamasarap ang kanilang steak. Super pricey ang mga pagkain ngunit muling ipinahiram sa akin ni Daddy ang kanyang credit card. Hindi ko naman kailangan ang credit card nila, sa totoo lang. Kaya ko namang magbayad, hindi nga lang sa restaurant na iyon. Ayaw lang akong pakinggan ng mga magulang ko. Nakialam sila

