NAGTUNGO kami sa pinakamalapit na mall na may cinema. Kumain muna kami ng tanghalian sa isang Italian restaurant bago nagtungo sa sinehan. Pinili ni Mattie ang isang horror movie tungkol sa isang nakakakilabot na manyika. Ayoko ng horror movies at alam iyon ni Mattie. Pinagbigyan ko pa rin siya sa kanyang gusto dahil alam kong mahilig talaga siyang manood niyon at hindi niya pinili ang pelikulang iyon upang pahirapan ako. Bumili ako ng dalawang malaking kahon ng popcorn kahit na kakakain lang namin. Pinlano kong idaan na lang sa kain ang takot ko. Sinamahan ko ang popcorn ng jumbo-sized softdrinks. Dahil halos tatlong linggo nang ipinapalabas ang pelikula at weekday nang araw na iyon, walang tao sa sinehan pagpasok namin. Hinayaan ko na si Mattie ang mamili kung saan kami mauupo. Inilibo

