NANG mga sumunod na araw ay sinubukan namin ni Mattie na sanayin ang dalawang pamilya sa pagbabago ng aming relasyon. Mahirap noong umpisa ngunit unti-unti na ring natatanggap ng mga pamilya namin na nakatakda nang magbago ang lahat. Ganap nang tumimo sa kanilang isipan na may romantikong namamagitan sa amin ni Mattie. Nahirapan sila nang husto sa mga adjustment. Hindi naman namin sila gaanong masisisi. Sa loob ng maraming taon, magkapatid ang tingin nila sa amin. Siyempre ay natagalan muna bago naging ganap na komportable ang lahat. Karamihan naman sa aming mga kapitbahay at malalapit na kaibigan ng pamilya ay natuwa sa amin. They said we were perfect for each other. Sabay pa rin kaming pumapasok ni Mattie sa eskuwela. Noong una ay tumanggi si Andres. Marami raw maaaring mangyari sa loo

