KINATOK ko ang silid ni Andres kinagabihan. Nasa bahay pa namin si Mattie kasama ang mommy ko at mommy niya. Pagkakain ng tanghalian ay nagkulong na sa silid niya si Andres at hindi na muling lumabas. Alam ko na hindi pa niya ako nais makita ngunit kailangan naming mag-usap. Ayokong patagalin ang bagay na ito. Masyadong mahalaga si Andres sa amin ni Mattie. “Go away!” aniya mula sa loob na tila nakasisiguro siyang ako ang nasa labas ng pinto. Sa halip na sundin ang kanyang sinasabi, pinihit ko ang knob at binuksan ang pinto. Pasalamat ako na hindi ugaling mag-lock ni Andres ng pinto. Natagpuan ko siyang nakaupo sa likod ng study table at tila masyadong abala sa pagbabasa ng isang makapal na libro. “Ayokong kausapin ka,” sabi niya habang hindi nag-aangat ng paningin mula sa libro. “Toug

