IYON na marahil ang pinakatahimik na tanghalian na pinagsaluhan naming pito. Mukhang hindi pa rin nakakahuma ang lahat. Mukhang tuliro ang mga magulang namin. Si Andres ay mainit pa rin ang ulo ngunit hindi na ako sinusugod. Sa palagay ko ay kinausap siya nina Ninong William at Ninang Martinna habang nasa bahay kami ni Mattie kanina. Napakasama ng tingin ni Andres sa akin. Kung naglalabas lang ng mga totoong patalim ang mga mata niya, malamang na kanina pa ako nakabulagta sa sahig at naliligo sa sarili kong dugo. Halos hindi nagagalaw ang mga pagkain sa hapag. Tanging si Mattie lang ang may gana. Sa palagay ko ay kinakabahan pa rin siya at dinadaan na lang niya sa pagkain ang lahat. “Please say something,” ani Mattie kapagkuwan, nakikiusap ang tinig. Tila hindi na niya matagalan ang kata

