TITIG na titig ako kay Matilda. Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya ay hindi ko gaanong mapaniwalaan ang bilis ng pag-usad ng panahon. She was all grown up. Parang kailan lang noong unang beses ko siyang makita. She was so small and so pink. Kinawayan niya kami ni Andres. Gumanti kami ng kaway. Nagsalubong ang mga mata namin. Her eyes sparkled with love and adoration. Sa palagay ko ganoon din ang nakikita niya sa aking mga mata... PAGSAPIT ng Linggo, pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng malay sa sobrang nerbiyos. Magdamag akong hindi nakatulog. Nanginginig ang katawan ko at ang bilis-bilis ng t***k ng aking puso. Nagpapawis ako ng malamig. Kung ano-anong hindi magagandang scenario ang nabubuo sa aking isipan. Hindi ako makapag-isip nang matino. It was a pure torture. Ang tagal-tag

