PAGSAPIT ng gabi ng acquaintance party, umayon ang lahat sa kagustuhan ni Andres sa simula. Isang konserbatibong bestida ang isinuot ni Mattie na ikinasiya ko. Sinamahan ni Andres ang kapatid sa pagsa-shopping. Ang unang napili raw ni Mattie ay isang bestidang parang T-shirt sa harap, ngunit nakalantad pala ang buong likod. “Sisipunin ka,” katwiran ni Andres. Pumili ng turtlenecked at long-sleeved na bestida si Andres at wala nang nagawa si Mattie dahil nasa nakatatandang kapatid ang perang pambili ng isusuot. Wala man akong ganang um-attend sa sarili kong acquaintance party, pinilit ko ang aking sarili. Hindi pa man ako nakakaalis ng bahay ay pinaplano ko nang umalis pagkatapos ng isang oras para samahan si Andres sa pagtambay sa parking lot. Ang katwiran ko, ayokong mainip ang matali

