DALAWANG araw uli akong hindi nagparamdam at nagpakita kay Mattie. Naisip kong magpa-miss nang kaunti. Naisip ko na baka kapag kanyang naisip na sinukuan ko na siyang talaga ay matauhan siya. Nais kong matanto ni Mattie na hindi niya kayang mabuhay nang wala ako. Epektibo naman dahil ayon kay Andres ay parang mas naging malulungkutin si Mattie. Hindi raw gaanong nagsasalita si Mattie at hindi gaanong kumakain. Tila hindi rin nakakatulog sa gabi. Minsan daw ay mugtong-mugto ang mga mata ni Mattie kapag lumalabas ng kuwarto. Nagsisimula na raw mag-alala ang kanilang mga magulang. Hindi ako naawa kay Mattie, nagalit ako. Galit na galit. Hindi ko maipaliwanag kung gaano kasidhi ang naramdaman kong galit. I was livid because she was letting this happen. I was furious because we were wasting ti

