EVERYTHING was back to being perfect after that, almost heaven. Hindi ko sinasabing wala na kaming pinagdaanan pagkatapos niyon, na hindi na uli ako nainis kay Mattie. But we managed to become a normal couple. Ganap nang nasanay ang mga magulang namin. Hindi na sila napapangiwi tuwing nakikita kaming magkahawak ang kamay o naglalambingan at naghaharutan sa isang tabi. Hindi na rin ako gaanong naiilang tuwing hinahagkan ako ni Mattie sa harap ng mga magulang namin. Maging si Andres ay tila hindi na alintana kahit na maghalikan kami sa kanyang harap. Isang bagay na labis kong ikinatuwa ay hindi na nagbabanggit si Mattie ng tungkol sa kamatayan. Hindi na niya ako inaartehan. Hindi na uli siya nakipaghiwalay sa akin dahil iniisip niyang hindi kami ang nakalaan para sa isa’t isa. She acted li

