NA-DISAPPOINT ang mga magulang ni Mattie sa pagkakaroon niya ng bagsak ngunit wala na rin silang nagawa kundi tanggapin ang lahat. Andres was understandably upset. Halos isang oras niyang sinermunan ang kapatid. Kung hindi ko sinagip ang aking nobya ay hindi pa titigil si Andres. Dahil sembreak, nag-out of town kami kasama ang pamilya. We went to Palawan. Hanggang mayroong pagkakataon ay sinisikap talaga ng mga magulang namin na dalhin kami sa iba’t ibang magagandang lugar. Premyo iyon sa pag-aaral naming maigi—sa kaso namin ni Andres. Para malinawan naman ang isip ni Mattie at mas ganahan siyang mag-aral sa susunod na semestre. Upang magkaroon din ng break ang mga magulang namin. Ang mga daddy namin na nagpapakahirap sa trabaho ay panay ang tulog sa hotel room. Ang mga mommy namin ay pal

