HAPON na nang mailabas ng ospital si Mattie. Kinausap nang masinsinan nina Daddy at Ninong William ang doktor na tumingin kay Mattie. Kinuha nila ang lahat ng lab results. Hindi nila basta palalampasin ang nangyari. Mattie was okay but there will be other girls. May ibang babaeng maaaring mapahamak. Hindi ko na masyadong inalam ang mga plano nilang gawin, ang mga hakbang na gagawin. Tiwala naman akong gagawin nila ang lahat ng nararapat. Masyado akong abala kay Mattie. Ayokong malayo sa kanya. Panay-panay ang tanong ko kung okay lang siya hanggang sa makulitan na siya sa akin. Sumama ako hanggang sa silid ni Mattie. Naghahanda ng hapunan sina Mommy at Daddy. Mattie’s parents fussed over her. Nang makulitan na rin si Mattie sa kanyang mga magulang ay sinubukan niyang itaboy ang mga ito.

