29

1161 Words

NANG gabing iyon, hiniling kong makitulog sa bahay nina Mattie. Of course, I didn’t sleep in Mattie’s room. Nakitulog ako sa silid ni Andres. Palagi naman naming ginagawa iyon mula nang maging totoong magkaibigan na kami. Ginagawa namin iyon lalo na kung nararamdaman ng isa na kailangan siya ng isa. Hindi lang sa mga babae uso ang sleepover. Hindi lang din sa mga babae uso ang heart to heart talk. Hindi nga lang madalas sa mga lalaki ngunit may mga pagkakataon na gusto mo lang may mapagsabihan ng nararamdaman mo. I knew Andres needed me that time. Alam ko na kailangan niya ng outlet. Ngunit hindi ako kinausap ni Andres hanggang sa oras na ng pagtulog. Halatang balisa pa rin siya ngunit walang sinabing anuman. Hinayaan ko lang. Hindi kasi si Andres ang tipo na kapag pinilit ay nagsasalita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD