NANG mga sumunod na araw ay “nanligaw” ako kay Mattie. Tila may mutual understanding na kami noon, ngunit hindi opisyal na mag-boyfriend at girlfriend. Hindi pa niya nililinaw sa akin ang nararamdaman niya, ngunit alam ko na may espesyal siyang damdamin para sa akin. May espesyal na akong espasyo sa kanyang puso. Hindi ko pa naririnig ang three magic words ngunit sigurado ako kung saan kami patungo. Hindi naman sa nagiging masyado akong mayabang, kilala ko lang si Mattie at kilala ko rin ang sarili ko. Alam kong gagawin ko ang lahat upang maging masaya kaming dalawa na magkasama. Naging masaya ang isang linggong ligawan kahit na maraming pagkakataon na may ‘I hate you’ muna bago siya matuwa sa mga ginagawa ko. I wanted things to be special kaya naman naglalaan ako ng extra effort. Napapas

