“NANIWALA talaga ako na kami ang nakatadhana para sa isa’t isa,” ani Mattie habang tinutulungan namin si Ninang sa paggawa ng meatloaf. Naroon din si Mommy at tumutulong. Nakitulong na rin ako dahil madami pala talaga ang order. I’m in charge of measuring the ingredients. Mas strict pa si Ninang sa measurement ng mga ingredient niya kaysa kay Mommy. Pag-uwi na pag-uwi namin ay kaagad napansin ng dalawang nanay na nagkaroon ng bad day si Mattie. Kaagad inilabas ni Ninang Martinna ang homemade ice cream. Hindi gaanong matamis ang ice cream ni Ninang kaya gustong-gusto ko. Nang maubos ang ice cream ay tuluyan nang lumamig ang ulo ni Mattie. Naghain na sina Mommy at magana kaming kumain ng tanghalian. Ang dami ng naubos kong meatloaf. Hinahalo ni Mattie ang mga ingredient sa isang malaking b

