SA NAKALIPAS na dalawang buwan, naging tahimik at normal ang college life namin ni Mattie. Inililibre ko pa rin siya araw-araw ng lunch. Kahit na hindi katulad ng kanyang inaasahan ang nangyari kay Allen, ang usapan ay usapan. Nagkaroon na kami ng routine sa araw-araw. Sasabay siya sa akin sa sasakyan, maghihiwalay sa parking lot, magkikita sa school canteen sa oras ng tanghalian at magkikita sa parking lot sa uwian. Medyo boring sa pamantayan ng iba ngunit gustong-gusto ko ang pagkakaroon namin ng routine. Gustong-gusto ko ang pakiramdam na nakikita ko si Mattie sa umaga, sa tanghali, at sa hapon. Tuwing vacant period ay hindi kami magkasama. Iyon ang panahon na nagkakaroon kami ng panahon para sa ibang mga kaibigan kaya hindi rin naman masasabing kay Mattie umikot ang mundo ko. Pag-uwi n

