“ARE YOU okay?” tanong ko kay Mattie. Napapitlag siya at nahulog ang cell phone na tangan. Nagulat siya at hindi namalayan ang paglapit ko. Tinabihan ko siya sa harap ng fire place. Hindi naman gaanong malamig ngunit iginiit niyang sindihan ang fire place. Nasa vacation house kami ng isang kaibigan ni Daddy sa Tagaytay. Nasa ibang bansa na ang kaibigan ni Daddy at ibinebenta na niya sa amin ang bahay. Pagkatapos naming mag-stay roon ng buong araw, sa palagay ko ay buo na ang desisyon ng parents ko na bilhin iyon. Pinulot ko ang cell phone at iniabot kay Mattie. Napapabuntong-hininga na tinanggap niya iyon at inihilig ang ulo sa balikat ko. “May problema ka ba?” tanong ko. Kanina ko pa napapansin na tila wala siya sa sarili. Tahimik lang siya. Hindi nangungulit at hindi dumadaldal. Tila

