bc

Red Roses : Love And Admiration

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Red Roses: Love And Admiration

Description:

"Ugly duckling" ganyan ang madalas na madinig ni Adi sa paligid lalu sa opisina nang mga Villamor, isa siya sa pinaka pinagkakatiwalaan ng kanyang Boss na si Cyrus, lalu pagdating nito sa kalokohan...

She's have a secret crush sa kanyang boss, na kahit close sila ay alam niyang hindi ito mahuhumaling sa kanya, until one night...

When Cyrus find her secret, may mukha pa kaya siyang ihaharap sa kanyang Boss?

******

chap-preview
Free preview
Episode 1
Red Roses: Love And Admiration Chapter: 1 Halos nagmamadali si Adi habang bitbit ang mga papeles ng boss niya, pinapunta na lang siya sa condo nito dahil hindi na daw makakabalik sa opisina. Nagkakadapa-dapa na siya sa sobrang madali, para makahabol sa elevator. Iilan lamang ang sakay, halos ayusin pa niya ang kanyang salamin na may malalaking bilog na frame. Tila nakatitig sa kanya ang mga sakay at biglang magbubulungan. Pinilit niya itago ang sarili, dahil nga siguro hindi siya kagandahan, ang kilay niya na medyo makapal may malaki din siyang birthmark sa kanang pisngi na pilit niyang itinatago kapag nakaharap sa mga tao. Ang kanyang ilong ay masyadong malaki na parang nahihinog na kamatis. At hindi pa siya biniyayaan ng mga matang maayos ang paningin kundi kasing labo pa nang kanyang pagkatao— kaya kailangan niya magsuot ng salamin para makakita ng maayos. Mabuti na lang at matalino siya kaya madali siya nakapasok sa kumpanya ng mga Villamor. Minsan ay tampulan siya ng tukso pero wala siya magawa, maswerte naman siya dahil ang trabaho niya ay nagbibigay ng pangaraw-araw niyang gastusin. At hindi lang 'yun, dahil nakilala niya din ang Boss niya na super gwapo at mabait sa kanya. Tila nangangarap na naman si Adi, saktong bumukas ang elevator at halos banggain siya nang mga lalabas. Umayos na siya nang muling sumara ito, nasa pinakadulong floor ang pwesto nito. Muli tuloy siya napangiti at halos yakapin ang mga papeles na hawak. Ang swerte niya dahil close sila ng Boss Cyrus niya, na kahit hindi siya kagandahan ay siya ang pinagkakatiwalaan nito. Hanggang sa bumukas ang pintuan ng elevator, at sumalubong sa kanya ang isang babas na may magandang hubog ang katawan, maputi ito at tila may makapal na make up. Pansin din niya ang heels na suot nito at hindi lang 'yun. Dahil napansin niyang katabi nito ang kanyang Boss Cyrus at tila nakayakap sa braso. "Adi..." Ang boses na tila nagpagising kay Adi, kaya napailing siya at lumabas na sa elevator. "Sir!" "Kilala mo siya?" Tila nakataas na kilay na tanong ng babae. "Yes." Sagot ni Cyrus. "Okay, i'll go ahead." Tugon nito at tila pumasok na sa elevator, kumaway lang ito kay Cyrus hanggang sa magsara na ang pintuan. Pansin ni Adi ang pagbuntonghininga ng kanyang Boss. "Sir, sino po 'yun?" "Sshhh..." Tila senyas nito at ngumiti... Tila naunawaan na ni Adi, ito lang talaga ang problema niya sa kanyang Boss. Kilala kasi itong "Womanizer" kumbaga, iba't-ibang babae ang nakikilala niya na kasama nito. Sabagay hindi na siya magtataka, mala Keannu Reeves ang boss niya, matangkad, matangos ang ilong. At masasabi niya na may giliw ito sa mga babae. Masyado kasi mabango ang mga salita nito, lalu kapag tipo nito ang isang babae. Pumasok na sila sa condo nito, kaya ilipag na niya ang mga papeles na kailangan niya papirmahan. Kaya marahil hindi ito makabalik sa opisina dahil may ibang schedule. Paglingon niya ay napansin niyang inalis nito ang suot na polo, napalunok tuloy siya lalu nang makita ang flat chested nitong sikmura na mayroong tinatagong pandesal. Pansin niyang kinuha nito ang isang black na longsleeve, sabay lingon sa kanya. "Iwanan mo na lang muna 'yan, may lalakarin pa ako." "Ah, ah... Ahhmmm." Lumapit na si Cyrus at tumitig kay Adi. "Something wrong?" Napailing siya ng wala sa oras. Pakiramdam niya kasi na ang kanyang puso ay tinatambol dahil sa titig ng Boss niya. "Masama ba pakiramdam mo?" Muling tanong ni Cyrus at inayos ang butones ng polo niya. Napalunok si Adi at umiling, nang may madinig siyang doorbell. Lumingon si Cyrus at tinungo ang pintuan. Napasunod ng tingin si Adi, at nakita niyang babae ang pinagbuksan ng kanyang Boss. Tila iba ito sa nakita niya kanina, kaya napabuntonghininga siya at tila kinuha na ang bag sabay lapit sa kanyang boss. "Oh, may kasama ka pala?" Puna ng kausap ni Cyrus. "Yup, ahmm." Sabay lingon niya kay Adi. At lumapit bahagya. "Aalis ka na?" "Opo sir." Tugon niya. "Hmm, ahmm Adi, can i have a request?" Tila mahina niyang sabi para hindi siya madinig nang babaeng bago niyang makaka date. "Ano po 'yun sir?" Tila tanong niya sa kanyang boss. Ngumiti si Cyrus at may kinuha sa bulsa sabay abot ng card kay Adi. "Pakipuntahan ang shop na 'yan, pakisabi na lang ang name ko at ang pinareserve ko. One more, pakidala mo na din sa address na nasa likod." Bilin niya at hinawakan ang balikat ni Adi. "Alam mo naman na ikaw lang pinagkakatiwalaan ko." Tumango na lang si Adi. "Yes sir." "Okay! Then, mauna na kami. Ikaw na bahala mag lock dito, like what you always did." Sabay talikod ni Cyrus at lumapit na sa babae. Napahinga na lang ng maluwag si Adi at tila naiiling na napatingin sa card na binigay ng boss niya. "Overtime again." Bulong niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
571.8K
bc

Dominating the Dominatrix

read
53.4K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
29.8K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
4.0K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
794.5K
bc

The Lone Alpha

read
123.6K
bc

Remarried Again: My Husband's Brother.

read
7.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook