Celestine'POV
"Tine, gising!" yugyog ng kung sino sa akin.
Nagtakip naman ako ng unan sa mukha, "Bakit ba?!" sigaw ko rito.
"Bumangon kana!" yugyog ulit nito.
Ang sarap manapak ngayong umaga.
Kahit inaantok pa ako, dinilat ko na 'yong mga mata ko. Pagkatapos ay tinignan ng masama ang kanina pa yugyog ng yugyog sa akin!
"Ano ba Brie? Ang aga mo naman mang-trip. Inaantok pa ako!"
"Kadiri ka naman, laway mo!" nandidiri pa siyang lumayo sa akin.
Pinunasan ko naman 'yong gilid ng labi ko, "Bakit ba kasi Brie? Wala akong pagkai--"
"Andito si papu." pagpuputol nito sa akin.
Napabangon naman ako agad, feeling ko nawala 'yong antok ko.
Grabe may phobia na 'ata ako sa word na 'papu' ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
"Si papu? Teka, bakit? Anong meron?" sunod-sunod na tanong ko.
"Hindi ko alam. Basta bilisan mo na."
May napansin naman ako..
"Paano ka pala nakapasok sa kuwarto ko?"
"Uso kasi maglock." ay, oo nga pala.
Simula kasi ng may magparamdam sa akin sa swimming pool hindi na ako nagla-lock ng pinto ng kuwarto. Feeling ko kasi may mga maligno sa bahay na 'to!
"Umalis kana, susunod na lang ako."
"Ayoko nga. Sabay na tayo, natatakot ako kay papu." ano bang nagawa naming kasalanan?
Si Vien na naman siguro! Wala talaga akong tiwala sa babaeng 'yon.
Bago ako pumasok sa banyo tinignan ko muna ng seryoso si Brie. "Wag kang mangialam dito, wala kang mahahanap na pagkain sa kuwarto ko." paalala ko sa kaniya.
Hindi ko na siya inantay na sumagot, agad ko ng ginawa ang morning routine ko. Hilamos lang naman at toothbrush.
Nang matapos ako, dahan-dahan kaming bumaba ni Brie, nasa likod ko siya.
"Ano ba, Brie! wag ka ngang manulak."
"Sorry naman."
Naabutan namin na masayang nag-uusap sina papu, Vien at Meye sa sala.
Nakahinga naman ako ng maluwag, mukhang okay naman.
"P-papu.." halos pabulong na sambit ko.
Nakangiting lumapit si papu sa amin at niyakap kami. "Kumusta kayo?"
Awkward akong ngumiti "A-ayos lang naman po ako papu."
"How about you Brielle?" tanong ni papu sa katabi kong nakayuko ngayon.
"O-okay lang naman po."
"Nasabi na ni Vien sa akin lahat kaya wag niyo ng isipin 'yong nangyari. Ginawa ko lang lahat ng ito para sa inyo.. At I'm so glad na hindi ako nagkamali." bakas sa mata ni papu ang saya.
"Sorry pala papu." dahil hindi ko alam ang sasabihin ko, 'yan na lang ang kusang lumabas sa bibig ko.
Ngumiti naman siya. "Everything is good now, What's important is okay na kayong apat." bumaling naman siya kay Vien. "Thank you anak. I know its not easy for you pero nagpakumbaba ka. I'm so sorry sa mga pagkukulang ko sa'yo."
Ang saya lang na makitang ganito si papu.
Niyakap naman ni Vien si papu. "Ako po ang dapat mag sorry dahil nagmatigas ako."
Tama 'yan, mag sorry ka. Joke, HAHAHA.
"Enough, kalimutan na natin ang nangyari. Gusto kong magkaroon tayo ng quality time ngayon. Let's have breakfast?"
Bigla namang nataranta si Meye."Ngayon na po papu? Magluluto po ako." pupunta na sana siyang kitchen ng pigilan siya ni papu.
"You don't need to do that anak. Sa labas tayo kakain, and gusto ko kayong ipag-shopping. Lets buy anything you want."
Nagningning naman 'yong mata ni Brie. Alam ko na nasa isip niyan!
"Makakapag-grocery na rin ako." bulong niya pero narinig ko. Oh, di'ba? wala ng ibang mahalaga sa kaniya kundi pagkain.
Food is life 'yang babae na 'yan, eh.
"Mag-ayos na kayo. Aantayin ko kayo rito."
Umakyat na kaming apat para mag-ayos.
Nakaramdam naman ako ng guilt, hindi naman kasi madaling maniwala kay Vien.
Masisisi niyo ba ako? Iba kasi talaga kutob ko sa kaniya, eh. Sana totoo talagang nagbago na siya para okay na lahat.
*****
Dylan Jedd'POV
"Kaninong kotse 'yong nakapark sa labas ng gate?" agad na tanong ko ng makarating sa dining area.
Kumpleto pala kami ngayon, umalis kasi si Yus kahapon. Nakabalik na pala siya.
Iyong tungkol sa kotse, habang nagpapahangin kasi ako kanina sa veranda napansin kong may nakaparada sa tapat ng gate namin.
"Sa papa ni Vien." maiksing sagot ni Kyle habang ngumunguya.
Papa ni Vien? Wait, tama ba ako ng narinig?
"Sinong Vien?" paninigurado ko.
"Seryoso ka fafs? Vien as in Vien Sandoval, best friend ni Kiela." si Jerk.
"Anong ginagawa niya riyan? May nakatira na sa kabilang bahay diba?"
"Ang dami mong tanong, HAHAHA. Hindi mo ba alam?" napatingin ako Kyle.
"What do you mean?" naguguluhan na ako.
Tumawa muna siya. "Oo nga pala, maaga kang natulog kagabi. Then si Yus kakarating lang kanina. Sayang fafs!"
"What happened?" si Yus na nagtataka na rin sa pinagsasabi ng dalawang 'to.
"Ikaw na magsabi Jerk." utos ni Kyle.
Napatingin ako kay Kyle."Ikaw na." utos nito pabalik.
Lumipat ang tingin ko kay Jerk. "Ikaw na fafs."
"Teka, ano ba? Naguguluhan na ako!" napasigaw na ako sa hilo.
Turuan nang turuan, hindi na lang sabihin.
Natawa naman si Kyle."HAHAHA. Calm down, Dy. Ang aga high blood ka agad." at nang-asar pa talaga ang loko.
Kinuha ko naman 'yong tinidor. "Sasabihin mo ba o hindi?" tinusok ko 'yong bacon sa harap niya.
Mukhang nadala naman siya. "Grabe naman fafs, ito na.." naging seryoso 'yong itsura niya.
Napipikon na ako sa dalawang 'to.
"You acting so weird, just say it." at nagsimula na rin mainis si Yus.
Parang wala lang 'tong narinig. "Wag kang magwawala, ha?" isa na lang talaga sasapakin ko na 'to si Kyle.
Natawa naman si Jerk. Pinagtritripan ba ako ng dalawang 'to?
"Hindi ako magwawala..." mahinahong sagot ko. "pero baka masapak kita." pagbabanta ko.
Napakamot lang ng ulo 'yong loko.
"Sabihin mo na kasi kyle, HAHAHA."
"Isa ka pa Jerk." baling ko rito.
"Si Kyle 'yon, HAHAHAHA."
Kumuha na lang ako ng pagkain at nagsimula ng kumain. Wala akong mapapala sa dalawang kupal na 'to.
"Sila Vien ang nakatira sa tabi."
Natigilan naman ako.
"What?" nagulat ako sa narinig ko.
Ngumiti pa si Kyle ng nakakaloko. "Mga Sandoval ang nakatira sa bahay na 'yan." dagdag pa niya.
I see, but wait...
"Sandoval?" tanong ko, para malaman kung tama ba 'yong nasa isip ko ngayon.
"Yes, Vien and her sisters." i-nemphasized
niya pa 'yong word na sisters.
Kumunot naman 'yong noo ko sa sinabi ni Jerk, si Yus napaso sa iniinom niyang kape.
Tumawa naman 'yong dalawa.
"Iyong nakaaway mo at nakasagutan ni Yus, diyan din nakatira." si Kyle.
"W-what? That stupid girl?" hindi makapaniwalang tanong ni Yus.
Napasinghap na lang ako.
"Oo, she's pretty Yus. I met her last night. Also Meyesha, mabait siya, Dy. Siya 'yong pinag-iinitan mo diba?" baling ni Jerk sa akin.
Napangisi lang ako. Pinaalala na naman sa akin 'yong nangyari, hindi talaga ako titigil hanggang hindi ako nakakaganti!
Kumukulo na naman 'yong dugo ko dahil sa babaeng 'yon, she called me bakla and isip bata! Humanda talaga siya sa akin.
"Ano na namang nasa isip mo Dy?"
Nginitian ko lang ng nakakaloko si Jerk.
"Poya, kinakabahan ako sa'yo." si Kyle.
"Damn." bulalas naman ni Yus kaya napunta 'yong atensyon sa kaniya.
Parang ang lalim ng iniisip niya.
"Isa pa 'to! HAHAHAHA. Gabe mga fafs, wag niyo kasing dibdibin masyado. Mga babae 'yon, kalimutan niyo na 'yon." ito na naman ang feeling superhero na si Kyle.
At kalimutan? No way!
"Kaya pala nakipagsagutan ka rin sa isang kapatid ni Vien, HAHAHAHA."
"Hindi ako nakipagsagutan, pinagsabihan ko lang siya dahil mali ang ginawa niya." hindi ko alam, pero kinikilabutan ako sa sinasabi nito.
Mukhang may nangyari kagabi na hindi namin alam.
"Tumigil ka nga! Para namang sobrang bait mo." singhal ko.
"HAHAHAHA, nagsasabi lang ng totoo."
"Pinagsabihan? Abot sa loob 'yong sigawan niyo kagabi."
"Chismoso ka rin pala, Jerk."
"Gaho, HAHAHAHA. Para ka kasing bakla ang lakas ng boses mo."
"Oo bakla ako, come fafa Jerk!"
"Poha, naman Kyle. Kumakain ako! Si Yus na lang harutin mo."
"Wag niyo akong idamay."
Palipat-lipat lang 'yong tingin ko sa dalawa, ganun din si Yus na malalim ang iniisip.
Siya na ang kusang lumalapit sa akin, good for me!
Let see kung matawag mo pa akong bakla at isip bata sa gagawin ko sa'yo.
Nakakabadtrip talaga!
Me? Dylan Jedd Villaruel? tatawagin mong ganun, damn! You mess with the wrong one, Miss. Ikaw palang ang tumawag ng ganun sa akin, umiinit talaga ulo ko.
I will make sure you will pay Ms. Sandoval.
*****
Vien'POV
Nasa mall na kami ngayon, kakatapos lang din namin magsimba. Ayoko sanang sumama dahil sa tatlong 'to, kaya lang hindi naman ako p'wedeng tumanggi since si papu ang nag request.
Kaya kahit naiirita na ako at naiinis, I need to calm down and act like I'm so happy even its absolutely not!
Being with them is so suffocating. Kung hindi lang talaga kailangan, hindi ko 'to gagawin!
I think nagbunga naman na ang pagpapanggap ko, nakuha ko na ulit ang loob ni papu. Nagmukha pa akong mabait.
Hindi ko tuloy mapigilang mapangiti.
Since wala kaming nahanap na restaurant sa first floor, sa second floor na lang kami.
"Oh, saan ka pupunta Tine?" bigla na lang kasi siyang umalis nang pasakay na kami sa escalator, lumipat siya sa hagdan.
"G-gusto ko po kasing mag hagdan, exercise po papu." sumigaw pa talaga.
Eskandalosa talaga kahit kailan, walang breeding.
Nakarating kami agad sa isang mexican restaurant, umorder lang ako ng pasta dahil wala akong ganang kumain.
Sino ba gaganahan pag kasama 'tong tatlong babaeng 'to?
"Wag kayong mahiya, order anything you want. Gusto kong lumabas kayong busog."
Tumawa naman ako pero kunwari lang.
"Papu order pa raw si Brie." pang-aasar ni Tine sa katabi niya.
Mukhang nahiya naman si Brie sa sinabi ni Tine, kunwari pa siya.
Ang takaw kaya ng babaeng 'yan. Good luck to her body.
Umiling naman si Brie. "Wag po kayong maniwala kay Tine." napayuko pa siya.
"Don't be shy anak. What do you want?" tanong ni papu kay Brie.
"W-wala na po, okay na po ako sa pagkain ko papu." napairap naman ako, bakit ba ang amo ng mukha niya? Bakit hindi niya ilabas 'yong totoong ugali niya.
"Are you sure?" tumango si Brielle."Okay, how about you Meyesha? Ang konti lang ng order mo."
Napatingin naman ako rito. Ngumiti lang siya kay papu. "Okay na po ako papu, busog pa po ako kasi nag almusal na ako kanina sa bahay."
Tumango naman si papu then ako naman ang tinanong niya. "How about you Vien? You want this?" turo niya sa dish na nasa harap ko.
"Papu allergy po ako sa hipon." pilit na ngiting sagot ko kahit ang totoo naiinis na ako.
See? Sa kawalan niya ng oras sa akin, nakalimutan na niya even the small details about me.
Sana hindi na lang pala ako sumama.
"Oo nga pala, nawala sa isip ko."
Ngumiti na lang ako at nagsimula na kaming kumain. Kuwentuhan lang at syempre kailangan kong makisali.
Nang matapos ay nagyaya si papu na mag shopping for us. Pumunta kami sa isang boutique to buy some clothes, si papu naman may tinawagan lang saglit.
"Grabe ang mamahal naman dito! Then thousand isang damit? Ano 'to ginto?"
Natawa naman ako sa sinabi ni Tine, not because she's funny, okay? Mukha kasi siyang ignorante sa ginagawa niya.
Nakakahiya lang siyang kasama.
"Oo nga, lipat na lang tayo? Sa mas mura." Brie suggestion.
Napangiti ako. "It's okay Brie. Para naman makaranas na kayo ng mga mamahaling brand ng damit."
Natahimik naman sila, what?
"Tama si Vien, dito na lang." pangbabasag ni Meyesha sa katahimikan.
"Grabe naman pala." pagpaparinig ni Celestine.
"Ano ka ba Tine, ang gusto kong sabihin is, mas bagay kasi sa inyo 'yong mga ganitong brand ng damit." kumuha ako ng isang dress at tinapat sa kaniya. "See, mukha kang tao sa dress na 'to." kunwaring biro ko kahit ang totoo mukha pa rin siyang basura.
Natawa naman si Brie, akala niya siguro nagkikipag-biruan ako sa kanila.
Natahimik naman si Tine kaya napangiti ako, anong akala niya? Hindi porket nagpapanggap ako, hindi ko na siya papatulan.
"O-okay na 'to." pambabasag ni Meye sa katahimikan.
Napangisi naman ako. "So pumili na kayo."
May kinuha akong isang dress na above the knee, kulay red siya na sleeveless.
"Ano 'yan Vien?" gulat na tanong ni Brie, nang inabot ko sa kaniya 'yong dress.
Ngumiti ako. "Mukhang bagay sayo 'to." sagot ko. "Sukatin mo." utos ko.
Parang ayaw niya pang kunin. "Parang ang iksi naman nito, tapos kita pa 'yong kili-kili"
Natawa naman ako. "Why? b***h ka naman diba? so bagay sayo 'yan." bulong ko.
"Ano 'yon?"
"Ang sabi ko, sexy ka naman. So I'm pretty sure na sayo 'yan."
Parang nagkaroon naman siya ng confident sa sinabi ko. "Sige, susukatin ko na."
Pumasok na siya sa fitting room kaya next kong nilapitan si Meyesha, pinapanuod niya lang 'yong mga taong nasa loob ng botique.
Nagulat naman siya ng hawakan ko 'yong kamay niya. "Bakit Vien?"
May kinuha akong dress na yellow. "Sukat mo." binigay ko sa kaniya.
Umiling pa siya. "Okay lang ako. Hindi naman ako mahilig sa mga dress." kaya pala ang manang ng style niya.
Kinuha ko 'yong kamay. "So kailangan mo ng masanay." nakangiting sabi ko.
Wala naman siyang nagawa, dumiretso na rin siya sa fitting room.
Maging thankful na lang sila at nageeffort pa ako kahit pagpapanggap lang 'tong ginagawa ko.
Nakita ko namang nakabusangot sa gilid si Celestine habang isa-isang tinitignan 'yong mga price tag ng damit. First time? So cheap.
"You want me to help you?" tanong ko sa kaniya. "Bagay sayo 'tong damit na 'to." kinuha ko 'yong off shoulder na damit.
"Wow, sweet mo, ha." sarkastik na sagot niya. "Pero hindi ako nagsusuot ng ganiyan."
Huminga ako ng malalim. "Alam kong hind--"
"Nasabi mo na 'yan, at alam mo na kung anong sagot ko, Vien." ngumiti pa siya na halatang nang-aasar. "Pasensya na, goodbless." tapos ay nilayasan niya ako.
Nagsimula na ako ng mapikon, sinusubukan talaga ako ng babaeng 'to!
Damn! Ang sarap ipakain sa kaniya ng damit na 'to.
"Ayos ka lang Vien?" tapos na palang isukat ni Brie 'yong dress na binigay ko.
Pilit akong ngumiti. "Yeah, I'm good." parang nawala naman 'yong inis ko kay Celestine. "It looks good on you." natuwa pa ako nang makitang bagay sa kaniya 'yong dress.
That's my taste, I love fashion.
Well ang sarap pala nilang paglaruan.
***
Kiela Jill' POV
"Kiela, bakit andito si Devin?" tanong ni Riri sa akin. "Mamaya dumating si Vien."
Nasa garden kaming apat, sa bahay. Niyaya ko rin si Devin dahil sobrang miss ko na siya and beside wala si Vien ngayon, nasa mall siya with her sisters.
Ngumiti naman ako. "Hindi siya makakasama sa atin, she's busy with her sisters." kinuha ko 'yong phone ko at binasa 'yong message ni Vien.
Hindi ko mapigilang mapangisi.
Tuwang-tuwa siyang pinaglalaruan ang mga half sisters niya, pero hindi niya alam siya ang matagal ng pinaglalaruan.
Poor girl, HAHAHAHA.
"Do you mean okay na sila?" lumaki pa ang mata ni Yassi dahil sa sinabi ko.
Nilapag ko 'yong phone ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "Andito ka last day right? O sadyang stupid ka lang talaga?" nakakapikon.
"HAHAHAHA, stupid as always." si Riri.
Sumimangot naman si Yassi. Ayoko siyang sungitan, kaya lang nakakainis na kasi minsan 'yong pagiging bobita niya.
Huminga ako ng malalim. "Of course drama lang lahat 'yon Yassi, pinag-usapan natin lahat 'yon diba?"
Napatango na lang siya. Kahit alam kong hindi niya pa rin nagets 'yong sinabi ko.
"Hi baby!" hinalikan ako ni Devin na kakarating lang. "Here's your food." napangiti naman ako.
Tama, kayo ng nababasa, I'm the third party not that Brielle girl! Wala naman talaga akong balak na sirain siya, kaya lang after niya kaming makita ni Devin expected ko ng magsusumbong siya pag nalaman niyan boyfriend ni Vien ang kahalikan ko.
Sinagad niya pa ako after what she said to me! Edi siya ngayon ang lumabas na masama. Hindi ko hahayaang masira ang plano ko just because of her, six months na naming natatago ni Devin ang affair namin. Masyado pang maaga for Vien to know everything, not now.
Napangiti ako. "Thank you." sinabi ko kasing gusto ko ng strawberry cake, then boom! he bought me one.
He's really sweet, bagay na nagustuhan ko sa kaniya--- na minahal ko.
Kumain kami ng cake habang busy 'yong tatlo sa mga ginagawa nila.
Maya maya ay nagpaalam na rin si Devin, tumawag kasi si Vien at nakikipagkita sa kaniya.
Nasira naman 'yong mode ko. "I'm sorry Kiela. Sabihin mo lang, hindi ako pupunta." tinignan niya ako ng seryoso, gusto kong mag-oo pero ayokong mag duda si Vien.
"No, you should go. Kailangan mong bumawi sa kaniya dahil sa nangyari, ilang araw ka rin niyang hindi kinausap. Tame her." hinawakan ko pa 'yong pisngi niya.
Kinuha niya 'yong kamay ko at hinalikan, "See you tomorrow, I love you."
Napangiti naman ako sa mga sinabi niya. Hinalikan niya muna ako bago siya umalis.
"You look good together talaga!" tumitiling lumapit si Reighly sa akin at umupo sa harap ko.
"Oo nga, eh." napangiti naman ako sa pagsang-ayon ni Yassi. "Kaya lang mas nakakakilig pa rin sila ni Vien." mabilis naman na nawala ang ngiti ko.
"Are you Team Kiela ba talaga o team Vien?" tanong naman ni Reighly rito.
Nagulat naman si Yassi. "Sinabi ko lang naman na mas nakakakilig sila pero Kiela pa rin ako, siya kaya una nating naging kaibigan 'no. "
"Just make sure Yassi, kung ayaw mo matulad kay Vien. I don't know kung bakit siya pa ang naging campus queen and president, mas better ka naman." kita ko sa mata ni Riri na naiinis din siya.
See? Even them galit kay Vien.
"Oo nga, eh. Sabagay matalino naman kasi talaga si Vien. Tignan niyo gagraduate na lang tayo lahat, siya pa rin ang ang campus queen at president ng student council."
"Wait, kung mas matalino si Kiela then bakit siya natalo ni Vien sa pagiging campus queen? Till now wala pang pumapalit sa kaniya. Last year na natin si Vien pa rin."
Tumayo na ako sa inis. "Can you just shut up, Yassi? Nakuha niya lang lahat 'yon kasi inagaw niya sa akin! Manggagamit siya!"
Nayukom ko na lang ang kamao sa galit.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko, kinuha ko 'yong buong strawberry cake at kinain 'to.
"Oh my god, Kiela! Stop it baka maubos mo na 'yan.." natigilan naman ako sa sinabi ni Reighly. "Baka tumaba ka." halos mangalahati na nga 'yong cake.
Padabog kong nilapag 'yong cake.
Damn! Lalo akong naiinis kay Vien!
Inabutan ako ni Riri ng tubig. "Ano ba kasi talagang plano mo, you know.. Baka sooner or later malaman ni Vien 'yong pangloloko natin sa kaniya."
Uminom muna ako bago tumingin sa kanilang tatlo. "Nag-uumpisa na 'yong plano." I answered her sweetly.
Nagulat naman sila.
"What do you mean Kiela?" si Reighly.
Ngumiti naman ako. "Habang busy siyang sirain 'yong mga kapatid niya, ako naman ang hahatak sa kaniya pababa. I really hate her sisters also, kaya gusto sabay silang apat na babagsak. And me? Tayo? papanuorin lang natin sila. Babawiin ko lahat ng inagaw ni Vien sa akin."
"Tama 'yan, Kiela. Bawiin mo lahat ng inagaw niya sa'yo. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ginamit ka lang niya para makuha lahat ng gusto niya."
"Riri is right, kinaibigan natin siya ng maayos but look what she did to you."
Nakatingin lang ako sa kanila.
"Oo, nga! Ikaw ang unang nagkagusto kay Devin pero si Vien ang naging girlfriend niya. Pati pagiging campus queen na pangarap mo, inagaw niya." dagdag naman ni Yassi.
Napapikit na lang ako, kasalanan ni Vien kung bakit ko ginagawa sa kaniya 'to!
Hindi talaga ako titigil hanggang hindi siya nagagantihan.
"Nakuha ko na si Devin at kaunti na lang makakuha ko na rin sa kaniya korona."
Itong taon na lang pagkakataon ko, kahit hindi na ako ang maging president ng student council. Basta mapaalis ko lang siya, masaya na ako!
Sabihan niyo na ako ng plastik, malandi or what so ever! I don't care.
Si Vien ang unang nanakit, binabalik ko lang sa kaniya lahat ng pinaranas niyang sakit sa akin. Sobra pa ang ibibigay ko sa kaniya. She's not my bestfriend, matagal ko ng kinalimutan na kaibigan ko siya.