Chapter fourteen

395 Words
Vien'POV Nagpaalam muna ako sa kanilang tatlo na matutulog ako ulit, pero ang totoo hindi ko na kaya ang presence nila. Ugh, I really hate them! I don't know kung paano ko nasabi 'yong mga words na 'yon sa kanila? Ang hirap makipagplastikan sa totoo lang, akala ko magiging madali lang but I'm wrong. Kung hindi lang dahil sa mga sinabi nila Kiela, hindi ko gagawin ang lahat ng 'to. FLASHBACK "Kayong apat lang ang nasa bahay, so it means you can do whatever you want. Wag mong hayaan na ikaw ang masakal.. Kung may dapat mawalan na hininga, sila 'yon." Nagtataka kung tinignan si Kiela. "What do you mean?" Ininom niya muna 'yong juice na hawak niya. "Tulad nga ng kasabihan.. Keep your friends close and your enemies closer, Vien. Ibigay mo 'yong larong gusto nila, larong silang tatlo ang magiging masama at ikaw ang lalabas na mabuti." "Kiela is right, show them who you really are! Lalo na that Celestine girl!" si Reighly. Inabutan naman ako ni Yassi ng basong may laman na juice."Campus queen ka, wag mo silang hayaan na ganyanin ka." "Kung may matitira man sa bahay niyo, wala ng iba kundi ikaw, Vien. You're the legal daughter, may mas karapatan ka." napalingon naman ako kay Riri. Parang nabuhayan naman ako ng loob sa sinabi nila, hanggang sa isang ideya ang pumasok sa isip ko. End-- Siguro kung wala silang mga kaibigan ko, I don't what to do anymore! I'm so thankful to have them. Hindi ko tuloy mapigilang hindi mapangiti. Isa lang ang kailangan kong gawin. Ang magpanggap sa harap nila. Like what I did earlier, mukhang effective naman dahil mukhang naniwala sila. Mga uto-uto! HAHAHA. --- Nabato ko na lang 'yong unan sa inis nang makarinig ako ng sunod-sunod na katok. Hindi ba nila alam na natutulog 'yong tao? I really want to sleep! Padabog akong tumayo at binuksan 'yong pinto, handa na sana akong sigawan 'yong taong gumising sa akin nang bigla kong maalala 'yong plano ko. Damn! Muntik na. Mabilis na nagbago ang reaksyon ng mukha ko. "Brielle?" Yes, nasa harap ko ngayon ang babaeng sobrang kinaiinisan ko sa bahay na 'to. Nahalata niya sigurong kagigising ko lang. "N-nagising ba kita? sorry, ha? Kakain na kasi tayo." Obvious ba? So what kung kakain na sila. Kailangan ba talagang kasabay pa ako? hindi ba sila makakakain without me? I still want to sleep for pete's sake! "Yeah, but it's okay." not okay! "Sige susunod na lang ako. May gagawin lang ako saglit." I faked my smile. Ngumiti naman siya pabalik. "Sige, Vien." inantay ko muna siyang makababa bago ako bumalik sa kuwarto. Padabog akong umupo sa kama at sinigaw ang kanina ko pa gustong isigaw. "Sana mawala na kayo sa buhay ko!" nakahinga naman ako ng maluwag but not enough. Gustong-gusto ko silang saktan. Kahit labag sa loob ko, bumaba na ako. Huminga muna ako ng malalim. Camera action! "Goodevening." nakangiting bati ko sa kanila. Nginitian ako ni Meyesha at Brielle habang si Celestine hindi ako pinansin. Like, i care! "Upo kana." anyaya ni Meyesha sa akin. Umupo naman ako sa tabi niya, katapat ko si Celestine na seryoso lang ang mukha. Napatingin ako sa pagkain na nasa table. "You cooked this?" kunwaring nagulat na tanong ko. Tinuro ko 'yong sinigang na baboy na ulam ngayon. "Magaling ka palang magluto." dagdag ko pa. "Salamat." nahihiyang sagot niya naman. "Natutunan ko 'yan sa lola ko. Magaling talaga siyang magluto." Oh, really? I'm not interested. "Tayo na at magdasal, para naman mabawasan kasalanan mo, Vien." biglang epal ni Celestine. "What?" kunwaring hindi ko narinig. "Sabi ko, lead the prayer, Vien." nginitian niya pa ako ng nakakaloko. Sinasagad talaga ako ng babaeng 'to, akala mo mananalo ka? No way! Nang matapos magdasal ay agad akong kumuha ng ulam. "I'm so excited to taste this Meyesha." masigla kong sabi. Best actress goes to me. "Meye na lang, Vien. Masyadong mahaba pag buong name ko, eh." "Brie na lang din tawag mo sa akin." napatingin naman ako kay Brielle. Tinignan naman nila si Celestine na walang imik sa tapat ko. Napansin niya sigurong nasa kaniya ang atensyon namin kaya tumigil siya sa pagkain. "Close ko lang pinapayagan kong tumawag sa akin ng Tine, kaya Celestine na lang itawag mo sa akin." tinignan niya pa ako na parang nang-aasar. Akala mo ikaw lang marunong mang-asar? "Okay Tine." nakangiting tugon ko. Kita naman sa kaniya na naasar siya. Well, don't me, Celestine. Nagsimula na kaming kumain. Sige lang, naguumpisa pa lang ako sa inyo. I will make sure na ako ang matitira sa bahay na 'to at sa buhay ni papu. "Salamat sa luto Meye! Sarap ng luto mo.. pangit lang ng katapat ko. " hininaan niya pa 'yong huli niyang sinabi, bulong-bulong pa naririnig ko naman. "Wala 'yon." maiksing sagot naman ni Meyesha-- I mean Meye, whatever! Syempre kailangan kong magpakitang gilas para mas mapaniwala pa sila. Lalo na at sigurado akong hindi naniniwala si Celestine sa akin. Niligpit ko 'yong mga plato. "Ako na maghuhugas." prisinta ko kahit na I don't know how to wash dishes. "Tayong apat ang nakatira sa bahay na 'to, we need to help each other lalo na sa mga household chores." feeling ko hahaba na yung ilong ko dahil sa kasinungalingan ko. "Talaga ba?" narinig kong bulong ni Celestine. "Alam kong hindi ka pa rin naniniwala na nagbago na ako Tine and hindi kita masisisi but sana give me some chance to prove na gusto ko talagang maayos 'yong relationship nating as a sisters." ginawa ko pang nagpapaawa 'yong boses ko. "Tine, maniwala ka na kay Vien. Walang mangyayari kung patuloy tayong mag-aaway. Para na rin kay papu." si Meye. "Oo nga. Pakiramdam ko galit pa rin sa atin si papu, pero sigurado akong matutuwa siya pag nalaman niyang okay na tayong apat." pag-sangayon naman ni Brie. Napangisi naman ako, mukhang nakukuha ko na nga ang loob ng dalawang 'to. "Marami na akong nakasalamuha na katulad mo, Vien. Kaya tulad ng sinabi ko, patunayan mo muna." tapos ay nag walk out siya. Nakaramdam naman ako ng inis. Sinubukan talaga ako ng babaeng 'to! Ngumiti naman ako."It's okay, alam ko naman sa sarili kong sincere ako." Nagulat pa ako ng tapikin ako ni Meye sa braso. "Intindihin mo na lang siya, Vien." napatingin naman ako kay meye. Kahit naiirita, ngumiti na lang ako bilang sagot. ***** Brielle'POV Nakangiti ako habang kumakain ng gardenia ngayon. Hindi kasi ako nabusog kanina, kahit kasi matagal na kaming magkakasama hindi pa rin ako masyadong komportable. Lalo na pag kumakain kaming apat, ang sarap pa naman ng luto ni Meye. Gusto ko pa nga sanang mag extra rice, pero okay lang. Sobrang saya ko naman ngayon dahil medyo okay na kaming apat, maliban nga lang kila Tine at Vien. Magiging okay rin naman siguro sila. Ito lang pala magiging paraan, tama si papu. Kakain pa sana ako ng maalala ko 'yong inutos ni Meye. Ilalabas ko pa pala 'yong basura. Dahil si Meye 'yong nagluto, si Vien naman ang naghugas. Si Tine naman sa paglilinis at ako sa paglalabas ng basura. Kahapon ako rin naglabas, madali lang naman kaya hindi na ako nagreklamo. Kinuha ko muna 'yong mga basura ko sa kuwarto pagkatapos ay bumaba na. Sunod kong kinuha 'yong mga basura sa kusina at nilagay sa isang trash bag lahat. Nakita ko pang nanunuod si Tine sa sala, kakatapos lang siguro niyang maglinis. Si Meye nasa kuwarto na niya at si Vien tulog na siguro. Nang makarating sa labas ng gate agad kong tinapon 'yong trash bag sa trash bin na nasa gilid. Napatingin pa ako sa bahay na nasa harap nito, sino kaya nakatira riyan? Ganda ng bahay. Angas! Simula nang lumipat kami dito wala pa akong nakikitang iba tao sa subdivision bukod sa aming apat. Babalik na sana ako sa loob ng biglang bumukas 'yong gate ng kapitbahay namin. "Huli ka balbon!" bulalas nito. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Ikaw pala nagtatapon sa basurahan namin, ha!" Nagulat naman ako sa sinabi nito kaya agad akong tumalikod. "A-ano? anong basurahan?" sunod-sunod na tanong ko habang nakatalikod sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung anong sinasabi niya. Anong basurahan? Naguguluhan ako. "Ikaw din 'yong nagtapon ng trash bag dito kahapon 'no? Miss, may kaniya-kaniya tayong basurahan. Hindi ka dapat nagtatapon sa basurahan ng iba, lalo na at hindi ka marunong magtapon ng maayos." Naalala ko bigla 'yong nangyari kagabi. Nabutas kasi yung trash bag na tinapon ko kahapon kaya nagkalat 'yong basura. Napakagat naman ako ng labi. "Hindi ko alam sinasabi mo." akmang papasok na ako ng bigla niyang akong hawakan sa braso. Nagsimula na akong kabahan dahil hindi ko alam kung sino 'yong lalaking kausap ko ngayon. "Kunin mo muna 'yong basura mo bago ka pumasok." hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. "A-ayoko nga!" pagpupumiglas ko pa. At dahil nakatalikod ako sa kaniya hindi ko makita 'yong itsura niya, pero sabi nila pag maganda boses ibig sabihin pangit siya? Pakealam ko ba, wala pa naman akong nagiging boyfriend. Narinig ko lang sa kaklase ko rati. Tumawa naman siya. "Teka, bakit ka ba nakatalikod, Miss? Humarap ka nga." dahan-dahan niya akong pinihit paharap sa kaniya. "Don't worry hindi kita kakagatin." natatawang sabi nito. Natigilan naman ako ng makita ko 'yong mukha niya, nakangiti siya dahilan para bigla akong makaramdan na kung ano. Ano ba 'to? Teka! Parang pamilyar siya sa akin. "Kilala kita.." sabi ko habang inaalala kung saan ko siya nakita. Pamilyar talaga siya. Tulad ko halata rin sa mukha niya ang gulat. Tinagilid niya pa 'yong ulo niya na parang inaalala kung saan niya ako nakita. "Wait, ikaw 'yong sister ni Vien right?" tanong nito sa akin. Tumawa pa siya na parang ewan. "Yeah! I remember you, HAHAHAHA. Don't tell me you live there?" turo niya pa bahay namin. Kumunot naman 'yong noo ko nang bigla kong maalala kung sino siya. "Ikaw 'yong sa school diba? Iyong isa sa member ng P4 eme eme na 'yon! Kaibigan mo 'yong nakaaway ni Tine at Meye!" singhal ko rito. "Kalma, HAHAHAHA. Yes ako nga." Bakit ba tawa siya nang tawa? Parang tanga lang. "Bitawan mo ako, papasok na ako." nakahawak pa rin kasi siya sa braso ko. Bigla naman siyang ngumisi. Ang pogi niy-- ano ba 'tong iniisip ko! "Tanggalin mo muna 'yong trash bag mo sa basurahan namin." utos nito. "Bakit hindi mo gawin, ikaw nakaisip." diretsong sagot ko. "What? HAHAHA. Miss basura mo 'yan kaya ikaw ang magtanggal. Do it, then you can go." "Pakealam ko?" mataray na sagot ko. "Hindi ka makakaalis dito." nagulat pa ako nang lumapit siya sa akin, napaatras naman ako dahilan para mapasandal ako sa pader. "Kukunin mo o kukunin mo?" bakit ba ganiyan boses niya! Teka, ang lapit na ng mukha niya sa akin! Bakit parang ang init? Tapos, tapos! Tinulak ko siya. "A-ano ba 'yan! Basura lang naman 'yan, mamatay ka ba? Hindi ko naman alam na basurahan niyo 'yan! Wala naman kasing pangalan." sigaw ko dahil naiinis na ako. Bakit ba kinakabahan ako na ewan! Tinignan niya ako ng seryoso. "Miss, pangalawang beses na 'to. Next week pa mangongolekta ng basura pero 'yong trash bin namin puno na dahil sa basura mo." Napairap naman ako. "Dami namang alam, nakakainis!" pagmamaktol ko. "Gawin mo na lang para makapasok na tayo pareho." nginitian niya pa ako na parang nang-aasar. Nakakainis! "Kukunin mo lang naman, mahirap ba 'yon?" Gusto ko ng pumasok, baka masapak ko lang 'tong lalaki na 'to. "Oo na! Nasa loob na ng basurahan niyo tapos papakuha mo pa sakin? Nakakabadtrip." "Ikaw pa bad trip? Ako kaya naglinis ng kinalat mo kagabi. Bago ka pa lang pero perwisyo kana sa kapitbahay mo, kung ireklamo kaya kita sa home owners ng subdivision na 'to?" Mukhang seryoso na nga siya. "Oo na! Daming sinasabi. Napakadamot." Ngumiti na naman siya. "Good. Do it." Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa trash bin na nasa harap ko. Napakadmot kasi ng lalaking 'to! "Epal."naiinis na bulong ko. Dahan-dahan kong kinuha 'yong trash bag na tinapon ko, nang biglang... "IPIS! MAY IPIS!" sigaw ko nang may ipis na gumapang sa kamay ko galing sa trash bag. Kadiri, potek! "HAHAHAHAHAHA!" napatingin naman ako sa lalaking nasa harap ko. "Anong nakakatawa?!" sigaw ko. Sobrang naiinis na talaga ako, nakakagigil na. "Ipis lang natatakot kana? Seriously HAHAHAHA, mukha kang tanga." pang-aasar pa nito. "Nakakagulat, eh. Bakit ba tawa ka nang tawa?!" "Ang oa mo kasi. Karma tawag diyan HAHAHAHAHA." nakahawak pa siya sa tiyan niya. "Karma? Ganun, ha!" kinuha ko 'yong trash bag at hinampas sa kaniya kaya ending, sumabog 'yong laman at nagkalat. Kasalanan niya 'yan! Nanlaki naman 'yong mata niya. "What the heck... Anong ginawa mo?" Sasagot pa sana ako ng biglang lumabas si Tine at Meye. "Brie, bakit sumisi-- anong nangyari rito?" gulat na tanong ni Tine. "Bakit nagkalat 'yan Brie?" kasabay ng tanong ni Meye ang pagbukas ng gate sa bahay ng nakakainis na lalaking 'to. "Kyle, lakas ng boses mo." napatingin kami sa lalaking kakalabas lang. Kyle pala pangalan ng madamot na 'to. "Anong ingay 'yong narinig ko-- wait, kilala ko kayo.." natigilan pa siya nang makita kaming tatlo. Naningkit naman 'yong mata ni Tine habang halata sa mukha ni Meye 'yong gulat. "Kayo 'yong member ng baduy na grupo sa school diba? 'Yong kaibigan ng lalaking masungit na baliw, andito pala mga member ng P4. Dugyot talaga ng group name niyo promise." pang-aasar ni tine. Natawa naman 'yong dalawa. "At ikaw 'yong nakasagutan ni Yus? HAHAHAHA, you're so funny. Kaya pala napikon sa'yo." 'yong lalaking kakarating lang. "Wag niyong sabihin na riyan siya nakatira?" tanong ni Tine. "Do you mean Yus? No, hindi lang siya ang nakatira riyan." kumunot naman yung noo ko. "Kaming apat ang nakatira." sagot nito. Napasinghap na lang si Tine. At ako? Pinapatay sa titig 'yong Kyle na 'to, tawa kasi nang tawa. Sobrang nakakainis! "Brie, ano bang nangyari?" naguguluhang tanong ni Meye. "Bakit ang kalat dito?" turo niya sa mga basurang nagkalat. Kasalanan 'to ng Kyle na 'to! "Sisihin mo 'yang lalaki na 'yan! Siya may kasalanan kaya nagkalat 'yong basura natin." "Ay! Grabe. Miss, ikaw ang may kasalanan. Wag mo akong sisihin." sagot ni Kyle. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ikaw ang may kasalanan! Ang damot mo sa basurahan, lagyan mo kasi ng pangalan." Nginitian niya lang ako, bakit ba ngiti na ng ngiti 'to? Lakas ng trip! "Oh, kayong taltlo ang nakatira sa bahay na 'yan?" 'yong kaibigan ng Kyle na 'to. "Obvious ba?" pamimilosopo ni Tine. Natatawang naiiling naman 'yong lalaki. "Chill. I'm Jerk by the way." nilahad pa nito 'yong kamay niya kay Tine para makipagshake hands. "Wala akong pakealam." natawa naman ako dahil parang napahiya 'yong kaibigan ni Kyle. "Grabe, HAHAHAHAHA." hindi makapaniwalang sabi nito. "So welcome to neighborhood." Mukha namang mabait 'to, kaya lang para siyang manyak. Iyong ngitian niya kasi. "Brie, linisin mo na 'yan para makapasok tayo." napatingin naman ako kay Meye. "Bakit ako?" turo ko pa sa sarili ko. "Eh, sino ba? Ikaw naka-assign sa basura." Kumunot 'yong noo ko. "Tinapon ko naman ng maayos, eh. Itong Kyle na 'to may kasalanan." pagmamaktol ko. "Miss, ikaw ang naghampas sa akin ng basura kaya nagkalat 'yan. At ikaw ang nagtatapon ng basura sa basurahan ng iba, so it's your fault." Tinignan ako ni Tine. "Ginawa mo 'yun Brie?" "Hindi ko naman kasi alam." "Very good, HAHAHAHA." "Tine." suway ni Meye. "Pasensya na sa nangyari. Bago pa lang kasi kami rito. Kami na bahala na maglinis diyan, sorry sa ulit sa abala." seryoso Meye? "Wala 'yun, sige pasok na kami sa loob." sagot naman ni Kyle. "Sorry din sa'yo.. Meye right?" paninigurado pa nito. Tumango naman si Meye. "Ikaw pala si Meyesha." tumango-tangong sabi ng kaibigan ni Kyle. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Meye. "Nothing, just take care." natatawang sagot pa nito. Napansin niya namang masama tingin ni Meye sa kaniya. "Don't mind me, HAHAHAHA." baliw din pala 'to. "Bye girls, see you around."paalam nito. Pumasok na sila sa loob at naiwan kaming tatlo. "Linisin mo na 'yan Brie." utos ni Meye. "Bakit ako? Ikaw naman nag-utos na itapon ko 'yong basura rito." sagot ko. "Pero wala akong sinabing itapon mo sa basurahan ng iba." Nagsimula na naman akong mainis. "Malay ko ba kasi, parang kasalanan ko pang hindi ko alam." "Tumigil na nga kayong dalawa. Mamaya mag-away pa kayo dahil sa basura." awat sa amin ni Tine. "Kukunin ko na lang 'yong trash bin sa loob para ilabas dito." pumasok na si Meye at iniwan kami ni Tine sa labas. "Grabe, sa apat na baliw pala 'yang bahay na 'yan!" hindi makapaniwalang sambit ni Tine, napatingin naman ako sa katabing bahay namin. "Impyernes maganda at malaki bahay nila.." tumango-tango pa siya. "Mga baliw nga lang nakatira. Lalo na si Yus, sarap basagin ng mukha!" "Parehas lang sila ng Kyle na 'yon. Tawa nang tawa parang baliw." siya naman 'yong natawa sa akin. "Kung mamalasin ka nga naman. Sila pa talaga naging kapitbahay natin, medyo okay na nga tayo kay Vien. May pumalit namang apat na baliw." "Ang kokorni pa." dagdag ko. "Inaantok na ako, bahala ka na." Pinigilan ko naman siya. "Wag muna, natatakot ako. Samahan mo muna ako linisin 'to." anong oras na kasi. eh. Bakit kasi ako pa maglilinis nito! "Lalabas naman si Meye. Oh, ayan na pala." Dala na ni Meye 'yong trash bin. Binilisan ko na rin sa paglilinis dahil inaantok na ako. Bigla namang pumasok sa isip ko 'yong nang-aasar na mukha ng Kyle na 'yon! Ang sarap niyang ipasok sa trash bin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD